Episode 2—First Mission In Davao

1018 Words
NAGSIMULA ang mag-partner na mag-surveillance sa naturang lugar, at bago sila bumaba sa kanilang service van ay nakasuot na si Divlen ng isang bestida na luma at puno ito sa dumi. Subalit sa ilalim nito ay may maikling short at naka-belt ang kanyang sinyoreta gun sa may hita na bahagi. Nilagyan din niya ang kanyang mukha ng mga uling at tinalian ang kanyang buhok ng dalawang straw. Sinadya pa niyang guluhin ang kanyang buhok at ang tsinelas nito ay hindi magkapareho at may butas pa ito. Kung titingnan siyang mabuti ay parang totoong baliw. Si Jester nama ay nakasuot ito ng isang pajama na luma at sweet-shirt na itim na may mga butas-butas. Naga-makeup rin siya ng kulay brown, upang hindi mahalata ang kanyang mukha na maputi. Nilagyan rin niya ng mga dumi ang kanyang mga koko. Nakahanda na rin ang kanyang lumang sako na ang laman nito ay ang kanyang baril. Jester smirked. "Ano, partner, ready ka na?" "Oo, partner. Ready na ako, bagay ba sa akin ang aking partner?" balik tanong ni Divlen at seryoso ito. "Yes, pakner. Bagay na bagay at hindi kita nakilala, picturan nga kita para ipakita ko kay Clyde, sabay dukot ni Jester sa kanyang phone. Pareho ang dalawa na tinawanan ang kanilang mga sarili dahil para silang mga totoo. Pagkatapos ng kanilang kulitan ay balik seryoso na sa misyon nila. Sinenyasan nila ang kasama na siyang nagmamaneho sa kanilang service van na ihinto sa tabi. Bumaba agad ang kasama nilang driver at tiningnan ang paligid kung may tao ba. Nang matanto nito na walang katao-tao ay nagsenyas siya agad. Sabay lumabas ang dalawa at agad naghiwalay na parang hindi magkakilala. Kanya-kanya silang lakad sa mga oras na iyon. Si Jester ay nagpunta sa may squatter area, kung saan na may lead sila na maraming mga adik. Si Divlen naman ay nag ikot-ikot sa sentro ng lugar. Pumunta rin siya ng plaza at kung saan-saan pa na may kahina-hinalang kilos. "Hello, partner, kumusta ang area mo diyan?" tawag ni Jester sa kabilang linya. "Partner, malabo pa dito. Wala akong nakitang kahina-hinala. Ikaw meron na ba?" balik tanong nito. "Negative, pero huwag muna tayong titigil baka makatiyempo rin tayo." "Sige, partner, pero may malaking problema ako," pahay ni Divlen. "Ano?! Bakit ?" pag-alala na tanong nito "Ehhh... naiihi na ako. Kanina ko pa ito pinipigilan, hindi naman ako puwedeng pumasok sa banyo baka mahalata ako." "Partner, 'di ba baliw ka ngayon? Sagad-sagarin mo na at magkubli ka na lang sa puno," magandang suhestyon ni Jester. "Partner, naman! Tinutotoo mo na ako, eh!" reklamo nito. "Eh, ngayon lang naman niyan. Anong gusto mo, umihi sa panty?" Pigil ang sarili ni Jester, para hindi mapahagikhik nang tawa. "Oh, sige na! Hahanap muna ako nang puno, baka mapa-ihi na ako nito. Hirap pa lang magbaliw-baliwan para pala tayo nitong matuluyan." Pagkatapos nilang mag-usap ay nagmamadaling naghahanap si Divlen, nang makublihan, sapagkat hindi na niya mapigilan ang maihi. "Diosmiyo! Hirap naman ang makublihan sa lugar na ito!" Nagmamaktol si Divlen at kasalukuyang pa siyang nasa plaza. Hanggang sa nakahanap siya ng drum at isa itong basurahan. Agad siyang nagkubli at umupo. Nakahinga nang maluwag si Divlen pagkatapos niyang mailabas ang nakatambak na tubig sa loob ng kanyang katawan. Tatayo na sana siya at tama naman ang pagdating ni Jester para maghukay ng basura. "A-aswanggg..." sigaw ni Jester sa pagkabigla "Saan ang aswang?" Napasigaw rin ang baliw dahil sa pagkagulat nito. "Diyos ko! Ikaw pala iyan? Paanakin mo yata ako nang wala sa oras, eh!" turan ni Jester, at sabay hawak sa kanyang dibdib. "A-ano ba ang ginawa mo dito?! Akala ko ba nasa ibang area ka pa!" kandautal na tanong ni Divlen dahil na rin sa nerbiyos. "Tapos na ako, wala akong na bingwit at nagutom na ang alaga ko sa tiyan. Ikaw anong ginagawa mo dito? At bakit nagtatago ka dyan?" "Eh! Ano pa?! Umiihi!" Sabay tawa ni Divlen na parang totoong baliw.. Jester laughed. "Partner, violation niyang ginagawa mo." Pagbibiro ni Jester. "May violation ba sa baliw, partner?" DAHIL parehong gutom na ang dalawa ay naisipan nilang bumili ng pagkain, at si Jester na ang lumapit sa karinderya dahil hindi puwedeng bumili ang baliw. Sa kabutihang palad ay hindi siya pinabayad ng may-ari. Dali-dali siyang bumalik sa kinaroroonan ni Divlen at hindi siya nagpapahalata. Naglakad siya na diretso at lihim niyang inabot ang pagkain at tuloy-tuloy na siya sa paglalakad na parang hindi magkakilala ang dalawa. SUMAPIT ang alas-singko nang hapon at nagpatuloy pa rin ang dalawa sa pagsubaybay sa lugar. Hanggang sa nakatiyempo si Jester, may isang single motor ang huminto sa may kabilang kanto at dalawa ang sakay nito. Parehong naka-jacket at nakasuot ng sumbrero ang mga ito, na tila mayroong hinintay. At maya-maya pa ay meron na namang huminto na isa pang sasakyan sa tapat ng motor. May inabot ang naka-angkas sa Toyota Revo, sa tanto ni Jester ay mga epektos ito. Agad niyang kinuha ang plate number ng motor at ganoon rin sa Toyota Revo. Si Divlen naman ay may nahagilap siyang isang lalaki na bumaba ng jeep. At huminto sa isang waiting shed, na parang may hinihintay. At maya-maya pa ay huminto ang isang Toyota Revo na sasakyan at mayroon itong inabot sa lalaki. Nag-abot rin ang lalaki ng pera at agad rin umalis ang lalaki. Tinawagan ni Divlen ang kanyang partner upang ipaalam ang kaniyang nadiskubre. "Pakner, positive. May suspek na akong nakuha," boses ni Divlen. "Ako rin, partner. Kaya puwede na tayong magpahinga." "Sige pakner, kita nalang tayo sa sasakyan," tugon ni Jester. Pareho ang sasakyan ng kanilang mga suspek, bago bumalik si Divlen sa kanilang service van ay sinundan muna niya ang lalaki kaya natunton niya ang bahay nito. KINABUKASAN, maagang nag-report ang dalawa sa kanilang headquarters. Sapagkat may importante silang lalakarin balak nilang mag-partner na puntahan ang tindahan ng Toyota. Upang alamin kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon. Lalakad na sana ang mag-partner nang biglang tumawag si General Villanueva, at pina-report muna sila sa office nito. Pumunta naman ang dalawa at sa kanilang pagpasok ay nakita nila ang isang lalaki na kausap ni General.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD