"SHE'S MY HOT BOSS"
Chapter 9:
"Mang bensyo" pagtawag ko rito ng makarating nako sa hardin.
"Ah kayo po pala ma'am, ano hong kailangan ninyo?" magalang nyang turan sakin.
"Mamayang gabi ulit manong dalhin nyo ang sasakyan same place same time"
"Pero ma'am hindi po ba napagalitan na kayo ng daddy nyo day sa pagtakas mo kagabi? At ng dahil dun po sa pagtulong ko sa inyo muntik pa kayong mapahamak kaya pasensya na ho ma'am sa pagkakataong ito hindi ko na po kayo matutulungan"
"But, manong please help me again. I'm sure this time nothing's will bad happen to me" pamimilit ko rito. Gusto ko ulit makalabas para nakong mabubulok sa loob dito sa sobrang OA ni dad na pabantayan pa ako. I know his worried about me at ayaw nyang mawala ako sa buhay nya after mom died by a car accident. I really understand why he's doing this but not this way ikakamatay ko talaga kapag hindi ako nakalabas ngayon.
"Pasensya na po talaga kayo ma'am" hinging tawad nya siguro inutusan sya ng bugok kong bodyguard na wag akong tulungang makatakas.
"Mang bensyo, if your worried about my stupid bodyguard just don't mind him he's not here so he wouldn't find out that you help me again to escape"
"Pero kasi ma'am-" naputol ang kanyang sasabihin ng bigla kong hawakan ang kanyang kamay upang maikusap.
"Please manong, I promise this is the last time that you would help me out, manong?"
"Baka may mangyaring masama na naman po sa inyo ma'am talagang hindi po maaatim ng konsensya ko iyan"
"I will take care of myself please just help me"
"Sige ma'am pero mag-iingat kayo at wag na wag nyong pababayaan ang sarili nyo?" ani nito na ikinatuwa ko ng sobra.
"I promise, so are you gonna help me na?"
"Sige ho mamayang gabi po"
"Really? Oh thank you mang bensyo thank you thank you so much" masayang pasalamat ko sa kanya akala nya siguro porket wala na sya dito eh hindi ako makatakas pwes! nagkakamali sya dahil maraming tao ang handang tumulong sakin haha sana wag ka ng bumalik dito asungot ka.
Makalipas ang ilang oras na paghihintay muling ginawa ko ang pagsagaw ng planong pagtakas kaya agad na akong pumunta sa dating lugar kung saan ay magkikita kami. Nang makita kong nakaparada na nag sasakyan ay inakala kong nasa loob si Mang bensyo dahil may nakita akong lalaki na nakayuko sa manibela na parang natutulog.
"Mang bensyo, gising nandito na po ako bumaba na kayo ng makapag-" hindi ko na naipagpatuloy pa ang aking sasabihin ng iangat nya ang kanyang ulo.
"At san ka na naman pupunta?" ngising bungad ng arogante kong bodyguard. Sh*t! Anong ginagawa nya dito akala ko ba umuwi sya sa bahay nila?
"Arghhh!!!!" pagtitili ko sabay takbo papalayo sa kanya pero naabutan pa rin ako nito at binitbit pabalik kung saan nakaparada ang sasakyan saka nilagay sa likod ng kotse.
"Dyan ka para hindi ka makaalis"
"Ahhhhh!!! Get me out of here!" sabinko rito sabay hampas sa loob ng kotse.
"Para ano? Para makatakAs ka ulit? Hindi nako papayag kaya dyan ka muna"
"How dare you do this to me? I tell dad everything just to make sure that he will fire you!" sigaw ko rito.
(DRAKE POV'S)
Tama nga ang hinala ko na may masama syang binabalak buti na lang talaga at napigilan ko ito.
"Hay ang tigas ng ulo" bulong ko sa hangin at sumakay na sa loob ng kotse.
"Pare, nasan na si ma'am arianna?" jaypee asked.
"Nandun sa likod" walang ekepresyong sabi ko sa kanya kaya tiningnan nya agad-agad sa likod.
"Wala naman dito pre"
"Sinong nagsabing dyan? Andun sya sa likod ng trunk"
"Ano!?" hindi makapaniwalang reaksyon nito.
"Get me out of here, anybody!!" sigaw nito at dali-daling binuksan ito ni jaypee.
"Okay lang po kayo ma'am?" nag-aalalang tanong nya sa kay arianna na ngayo'y nakaupo na't inaayos ang kanyang buhok.
"Nagpapatawa ka ba? Pagkatapos ng ginawa sa akin ng siraulo mong kaibigan sa tingin mo okay ako?" galit nyang turan sa kanya saka naglakad papalapit sa gawi ko.
"You! Walang sinuman ang gumagawa sakin ng ganun kaya humanda ka I will see you! You stupid bodyguard!"
"Ma'am, hindi po ako natatakot sige gawin nyo dahil kung kaligtasan nyo ang pinag-uusapan dito walang makakapigil sakin. Ma'am, walang personalan trabaho lang kaya ko ginagawa ang lahat ng to ay dahil din sa kapakanan nyo kaya sana makipagtulungan kayo samin hindi yung ikaw pa ang lumalagay sa sarili mo sa kapahamakan"
"You don't care! I HATE YOU!" galit nyang saad at padabog na pumasok sa loob.
"Pare, bakit mo naman nilagay dun kawawa tuloy si ma'am" turan ni jaypee na hanggang ngayon hindi makapaniwala sa ginawa ko sa malditang yun.
"Napakapasaway eh talagang tatakas kita namang delikado"
"Pano kung isumbong nya nga talaga yan sa daddy nya at makaabot pa Kay general yan malalagay ka sa alanganin" pagpapaalala nito. Tama nga sya hay dapat pigilan ko ang aking emosyon upang maiwasan ang mga bagay na maaaring makaapekto sa aking posisyon bilang major ng aming agency.
"Oo nga, tama ka sadyang hindi lang talaga ako nakapagpigil sa kanya ang tigas kasi ng ulo"
"Pero, pare pano mo nga pala nalaman na tatakas si ma'am?" kunot-noong tanong nya sa akin.
"Nang sinabi mo kasi sakin ni hinahanap nya ko which is sobrang nakakahinala dahil hindi naman kami close para hanapin dun palang talagang alam ko na gagawin nya ulit to" paliwanag ko sa kanya ng mabuti.
(FLASHBACK)
"Good morning po sir" salubong sa akin ng hardinero nila sa hardin dahil magsisimula na ito sa kanyang trabaho.
"Ganun din sayo manong, ay nga pala mang bensyo"
"Ano po iyon sir?" namamaos nitong tanong sakin medyo may pagkamatanda na rin kasi si Mang bensyo sa tingin ko'y nasa 63-65 na ang kanyang gulang.
"Pwede po bang humingi ng pabor" pabulong kong sabi sa kanya.
"Opo sir, ano po yun?"
"Pwede bang tulungan mo si ma'am arianna ulit kung tatakas sya"
"Ho? Pero bakit naman po sir?" naguguluhang tanong nya sa akin. Kahit sino naman talaga magugulat kung yan ang sasabihin ko sa kanila no.
"Basta po manong tulungan nyo sya at sabihin nyo sakin kung humingi man sya ulit ng tulong sa inyo"
"Umm.. osige po sir gagawin ko ang gusto nyong mangyari"
"Talaga po manong? Maraming salamat po" ngiting pasalamat ko sa kanya.
"Walang anuman sir" magalang nyang sabi saka bumalik sa trabaho.
(END OF FLASHBACK)