"SHE'S MY HOT BOSS"
Chapter 3:
"Talaga? Grabe! Totoo pala ang chismis no, eh ikaw ba?" biglang sabi nito na ikinagulo ng aking isipan.
"Anong ako?"
"Hindi ka ba nagkakagusto sa kanya kasi impossibleng hindi eh sa ganda ba naman nyang yun"
"Hindi no" agad na sagot ko rito.
"Tsk! Hindi daw maniwala ako"
"Sabing hi-" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si ma'am arianna sa aming likuran.
"Who is he?" agad na tanong nito ng makita si jake.
"Ah kagaya ko rin po sya na isang bodyguard din sya po ang kaibigan kong si jake" pagpapakilala ko rito.
"Did you ask my permission to let somebody in my house?" mataray na namang bungad nito.
"Hindi po pero alam po ng daddy ninyo kaya wala naman sigurong masama kung magpapasok ako hindi po ba ma'am?" ngising turan ko sa kanya but she just rolled her eyes.
"Fine" tipid nitong sagot at akmang tatalikod sana.
"Teka, san ka pupunta?"
"Do I need to tell you where I will going, really?" masungit na saad nito while crossing her arms.
"Gusto ko lang pong makasigurado na ligtas ang pupuntahan nyo MA'AM" madiin kong pagkakasabi ng salitang ma'am sa kanya.
"Oh come on, I'm here inside my house so I'm definitely safe here. Pupunta lang ako ng garden don't tell me sasama ka?"
"Pwede ba?" pang-aasar ko rito.
"Heh...kainis?" naiinis nitong turan at padabog na pumunta roon.
"Bakit mo naman ginanon pre" mahinang sabi nito.
"Ang alin?"
"Hay ewan ko sayo pero pare grabe ang ganda-ganda nya nga. Ang swerte mo pre dito ka nakaassign pwede bang magpalit na lang tayo papakiusapan ko na lang si general" makulit nitong sabi. Hay baliw na nga talaga sya makakita lang ng sexy gusto nya na agad na makipagpalitan sakin.
"Tumigil ka na nga puro ka na lang biro"
"Hindi ako nagbibiro ah talagang seryoso ako dun"
"Hay sabing tumigil kana umalis ka na lang" pagtataboy ko sa kanya masyadong maraming sinasabi eh.
"Sige na, magpalit na lang tayo" nagmamakaawang pakiusap nito.
"Sabing alis na eh! Ah ayaw mo ha baka gusto mong sipain pa kita palabas, ano?"
"Ah hindi, ito naman parang hindi mabiro sabi ko nga aalis nako paalam at mag-iingat ka drake"
"Wag kang mag-alala kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko salamat na lang sa concern" mayabang kong sabi at may pangiti-ngiti pang nalalaman.
"Hindi naman ang tungkol dun ang ibig kong sabihin"
"Huh? Kung hindi yun ede ano?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Dun kay miss arianna baka kasi mahulog ka sa kanya" ngising turan nya. Kahit kailan parang gago talaga 'to kung hindi ko lang sya naging tropa nung highschool kami baka sinuspende ko na ito, di joke lang.
"Eto gusto mo" pananakot ko rito habang tinataas ang kamao ko.
"Ay alis na pala ako baka malate kasi ako eh sige pre" paalam na nito at tumango lamang ako bilang tugon kaya tuluyan na itong umalis. Napangiti naman ako ng kusa habang iniisip ang mga sinabi nito sakin talaga namang tama sya napakaganda nga at sexy ni arianna, okay na sana eh kung hindi lang masama ang pag-uugali nya pero kahit ganoon sya sakin kailangan ko pa rin syang pakisamahan bago matapos ang misyon ko dahil yun nag trabaho ko bilang secret agent.
(ANDREA POV'S)
Ang swerte ko talaga na magkaroon ako ng kuyang kagaya nya pero nahihiya pa rin ako ngayon masyado kasing maraming lalaki ang nakatambay sa maliit na karenderya ni aling betchay.
"Oo nga, ayaw pa nitong maniwala eh" rinig kong sabi ni julius sa mga kaibigan nya.
"Ah aling betchay pabili nga ho ng sinigang saka pansit" nahihiyang sabi ko rito habang abala sya sa pagcacalculate ng kanyang mga kita.
"Oh ikaw pala anding, charles anak hali ka nga rito!" pagtawag nya kay crush na biglang ikinabilis ng t***k ng aking puso.
"Ano po yun nay?" mahinahong tanong nito sa nanay nya. Nakasuot ito ng school uniform hay grabe ang gwapo ni crush para syang anghel na hulog ng langit hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin sa kanya.
"Asikasuhin mo nga muna si anding nak kailangan ko munang tapusin 'to" paliwanag ni aling betchay rito. Oh my gosh tita! Thank you sa opportunity tatanawin ko talagang isang napakalaking utang na loob sayo.
"Ah anong gusto mo?" tanong nito. Crush, ikaw ang gusto ko pwede ba kitang itake-out okay lang kahit kumain ako ng walang ulam basta ikaw na lang.
"Huh? Umm.. Sinigang saka pansit sana" kinikilig kong turan ede siyempre hindi ko pinahalata baka malaman nyang crush ko sya.
"Ah sige" agad na sumandok sya ng mga ulam na bibilhin ko.
"Wag kang maniwala dyan charles ang gusto nya lang ikaw hindi yung ulam diba anding?" panunukso pa ni jeric isa sa mga siraulong nakatambay dito na talagang nahulaan nya ang iniisip ko.
"Ayun oh haha?" sabi naman ni rico na kasama rin ni jeric at nagsitawanan silang lahat mga gagong 'to sige isa pang panunukso mo samin dahil ililibre kita ng beer para pang tagay nyo ng mga kaibigan mo kaya sige go wag kayong titigil suportahan nyo ko sa lovelife ko parang awa nyo na.
"Tumigil na nga kayo pasensya ka na sa kanila anding" ngiting saad nya sabay abot ng ulam crush grabe nakakatunaw mga ngiti mo I feel like I'm exploding up the sky.
"Ayiee, uy anding nagsorry sayo ang bebe mo oh" jeric said again paminsan-minsan makakatulong din pala ang mga siraulong tambay nato.
"Ay hindi okay lang sige ito na ang bayad ko" ngiting saad ko sabay abot sa kanya ng pera ng muntik ng mahulog ang puso ko ay charoot yung pera na dahilan kaya nagkahawakan ang aming mga kamay at nagkakatitigan.
"Pre? Mga anong oras pa kayo dyan magkahawak ng kamay?" tanong ni julius na talagang lumapit pa saming dalawa kaya naman binitawan ko na pera sa kanyang palad.
"Tumigil na nga kayo, ah sige salamat dito charles" nahihiyang turan ko.
"Sige" tipid nyang sagot pero nakatitig pa rin sya sakin oh my babe baka matunaw ako hinay-hinay lang sa pagtingin sakin.
"Anding, wala man lang bang pagoodbye kiss kay charles dyan?" nakangusong turan ni jeric sakin.
"Tumahimik na nga kayo ang iingay ninyo kanina pa kayo nakaupo dyan tig-iisa lang naman ang inoorder nyo" sigaw na sabi naman ni aling betchay sa kanila ayan tuloy napagalitan kayo haha. Dumiretso nako pauwi ng bahay saka kumain para makarating na agad ako sa school.
(ARIANNA POV'S)
Umiinit talaga ang ulo ko kapag nakikita ang pagmumukha nya nakakainis!
Sofia's calling....
"Hello girl, so how's meeting with your bodyguard?" agad na bungad nito. Seryos? Ito talaga ang itatanong mo sakin nakakainis na ngang maalala tungkol sa kanya tapos tinatanong mo pa.
"Not good" walang ekpresyon sabi ko sa kanya sabay ikot ng aking mata.
"Ah so pangit talaga sya?"
"Super at napakaarogante pa" inis kong balita rito.
"Alam mo girl mag-aalas singko na maya-maya pupunta na rito sina marielle. Anong oras ka dadating isasama mo ba ang bodyguard mo? Hay naku! arianna masisira lang ang mood nating lahat kung makikita natin ang pangit mong tagabantay baka hindi ka pa makakilos ng maayos nyan"
"Yun nga ang inaala ko eh napakahigpit nya kasing magbantay kagaya ngayon pupunta lang ako dito sa garden tapos sasama pa sya hay grabe nakakabuysit talaga"
"Kung ako ang nasa kalagayan mo for sure maloloka nako nyan" maarteng saad nya sa kabilang linya.
"Nakakainis talaga sya sobra"
"So how can you get here without him? Hindi pwedeng gagala kami ng hindi ka kasama ikaw ang muse namin kaya dapat lang na sumama ka"
"Ofcourse, hinding-hindi ako mawawala I just only need time to think on how I can escape from that arrogant guy"
"Okay, ganto na lang why don't you give him a big amount of money in that way maybe he might allowed you to go out all by yourself, right? I'm sure that would work" suhestiyon pa nito that obviously useless.
"I already try that but still won't work ayaw nyang magpabayad dahil sabi daw nya he only cares for my safetiness that's why his doing his job appropriately".
"Woah... grabe ang sweet naman non" kinikilig nyang turan.
"Duh... it's not sweet kaya chura nya"
"Okay so how?" she said and napaisip ako pano nga ba? Hanggang sa nakita ko si Mang Bensyo ang hardinero namin that gives me an idea.
"I think I know how" ngising sabi ko sa kanya.