BUMALIK na lamang sa loob si Karrie, hinay hinay na isinara ang pinto. Napatakip siya sa kanyang bibig at tinungo na ang natutulog na si Grey. Dahan dahan siyang tumabi sa kanya at niyakap pa ng kay higpit. Kinaumagahan, naisip ni Karrie na gumising ng maaga para ipagluto si Grey ng tanghalian. Hindi na kasi siya nakaramdam pa ng antok sa nakita kagabi. Kaya naisipan niyang maghanda na lamang ng kakainin. Binuksan niya ang ref at nakitang madami pala itong laman, siguro ay dala itong lahat ni Grey. Kumuha siya ng manok, napagpasyahan niyang tinola na lamang ang putaheng lulutuin. Habang busy sa pagluluto, napasulyap siya sa kama kung saan nakahiga ang lalake. Nababaliw ang kanyang kalamnan pag nakikitang ganoon si Grey. Tanging comforter lang takip sa katawan niya. Nang matapos na lut

