MAHAL na niya ito kaya't susuportahan nya sa kahit na anong gustong gawin nito. Nang makarating sa opisina ay nagtungo agad si Karrie sa office ni Grey. Pagbukas ng pinto ay nagulantang siya, nandoon pala si Grey nakatayo sa kanyang harapan. Nakatitig ito sa kanya na parang gutom na leon na tila anumang oras ay kakainin siya. Gusto niyang kumawala sa mga titig nito dahil hindi sya kumportable sa tuwing tinititigan siya nito. Nanginginig pa rin ang kanyang boses nang magsalita. “Si--r Grey?” binasag niya ang katahimikan. Nagulat si Grey nang marinig ang panginginig na boses ni Karrie. “Pa- Pakiulit nga ng sinabi mo.” Tugon nya sa babae. “Ang alin?” Napakunot noo si Karrie alam niyang may napapansin si Grey sa kanya. “Sabihin mo ulit. Yung pangalan ko.” Napapa isip na ito.

