NAALALA ni Grey kung gaano siya ka walang kwentang asawa kay Bella. Napatitig si Mrs. Young kay Grey, pansin niya na ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng kalungkutan. Habang kumakain ang lahat ay biglang nag ring ang telepono ni Mrs. Young na nakalapag sa mismong lamesa. Mabilis naman itong kinuha ng ginang nang mapansing si Karrie ang tumatawag. “Excuse me, I need to answer this call.” aniya saka lumayo. Kinontak niya si Karrie at agad naman itong nasagot. “Mrs. Young. How are you?” aniya. “Karrie dear, Grey is here. In fact, we're having dinner right now.” pahayag nito. “What? Really Mrs. Young?” “Yes dear he's here. He said, today is Bella's death anniv--, Oh im sorry dear. ” aniya. Nabigla si Karrie at nang maalala ay ngayon pala ang araw kung kailan siya ay namatay sa

