Naka tutok lamang si Grey sa kanyang cellphone, naghihintay sa tawag ng mga tauhan nito. Nakaraan ang limang minuto ay tumawag din ang tauhan ni Grey. “Boss, na trace na namin kung saan pumunta ang sasakyan na sinakyan ni maam Karrie.” saad ng agent. “Good, tumawag ka din ng mga pulis. We need back up, hindi natin alam kung anong mangyayari sa pupuntahan natin.” aniya. Naninigurado lamang si Grey. May kutob kasi siyang hindi maganda na tila may masamang mangyayari. Ngunit buo ang loob niya na maililigtas pa rin niya si Karrie, ang mag ina niya. “Sana ay walang nangyaring masama sayo Karrie. This is all my fault! Walang dapat sisihin dito kundi ako lang! Damn!” ani sa isip ni Grey. “Sir Grey!” sigaw ni Grace. “No Grace! Stay here! Hindi natin alam kung ano ang pupuntahan natin. Bet

