Pagpapakilala ♥️

1003 Words
Pagkahatid ni Hunter kay Mia pagkatapos ng inuman ng grupo ay hindi na makatulog ang dalaga. Masyadong napupuno ng kasiyahan ang puso ng dalaga sa hatid na pagmamahal sa puso niya para kay Hunter. Gusto lang ng dalaga na isapuso ang mga nangyayari sa kanila ni Hunter para kung ano man ang mangyari may babalikan siyang magandang alaala nilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad ni Hunter ay magkakaroon ng oras sa isang simpleng babaeng katulad nya. Nasa ganung pagmumuni-muni ang dalaga ng biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone nya. Dali-dali nya iyong binuksan. Interesado kung sino ang nagtext sa kanya ng dis-oras na ng gabi. "hi baby gising ka pa ba?" text ng isang unknown number. Pero kinikilig na si Mia kasi si Hunter lang ang tumatawag sa kanya ng baby.. Sino to? Kunyaring text lang ni Mia para masigurong si Hunter ang nagtetext sa kanya. Sino pa eh di ang baby mo with smiley emoji na reply. Naku wala akong oras makipagbiruan, pasupladang sagot ng dalaga. Baby si Hunter to, saglit lang tayo nagkahiwalay nakalimutan mo na ako. Paano na lang pag umalis ako para sa tournament ko, eh di pagbalik ko hindi mo na ako papansinin nyan, himig pagtatampo ng binata. Asus, hindi naman yun mangyayari, lagi kitang alalahanin saan ka man magpunta, sagot naman ni Mia. Talaga baby? Hindi mo ako kakalimutan? Promise ba yan? reply pa nito sa dalaga. Oo naman. Ako nga itong nag-alaala kasi sa gwapo mong yan, madaming babae ang aaligid sayo na magaganda. Mga babaeng galing sa alta sosyedad. Yung mga tipo ng lahat ng lalaki. Wala ako sa kalingkingan ng mga yun, nalulungkot na sabi Mia. Huwag mo na isipin yan, ang importante sa ngayon ay masaya tayo baby.. Sayo lang ako titingin, paninigurado ni Hunter. Basta huwag ka din titingin sa ibang lalaki o kaya makikipaglapit ha.. Dagdag pa ng binata. Oo naman, all eyes for you baby. Sambit din ni Mia na kinikilig.. Sabi mo yan baby ha, hindi mo ako ipagpapalit. Yes baby, I will do it. Panigurado ng dalaga ito. O siya matulog na tayo at inaantok na ako. Pagpapaalam ng dalaga dito. Ayaw mo na ba ako kausap? Pagpapacute ni Hunter sa dalaga.. Gusto naman baby kaso late na at may bukas pa naman. Just kidding, antok na din ako. Natatawang Saad din ng binata. Good night beautiful, dream of me. Muaaaahh, Pagpapaalam ng binata. Good night too, handsome. At ibinaba na ni Mia ang telepono na hanggang tenga ang ngiti. Hindi nya maitatanggi na lumalalim na ang pagtingin nya sa binata. Aaminin nyang natatakot siya sa kahihinatnan nito ngunit susugal siya para makamit ang kaligayahan. Maaring mabigo siya ngunit iniisip na lang nya na hindi lahat ng bagay makukuha kapag hindi mo ito hahangarin. Kung mabigo man siya, atleast ginawa nya ang lahat para dito. Hindi din maitatwa ni Hunter ang kasiyahan habang kausap si Mia. Napakasimpleng babae na hindi maihahalintulad sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Masaya siya kapag kasama ang dalaga. Nakangiting nakatulog na din ang binata. Kinabukasan, naisipan ng grupo na mag scuba diving. Masaganang almusal ang pinagsaluhan nilang lahat. Mga pagkaing pinoy ang halos nakahain na parang fiesta na din sa dami ng pagpipilian. Baby sasama ka ba? Tanong ni Hunter kay Mia ng sila na lamang dalawa ang nasa komedor. Hindi ko pa alam kasi wala namang kasama si Matilda dito sa bahay. Hindi naman siya pwede sa ganyan.. Sagot nito sa binata. May makakasama naman siya dito, pakikisuyuan ko muna ang anak ng katiwala tutal hindi naman tayo magtatagal. Maaga tayo uuwi. Gusto naman kita talaga makasama dun kahit hindi ako marunong sa ganyan.. Nakangiting sambit ni Mia. Yan naman pala eh, ako bahala baby. Ako magtuturo sa iyo nyan, pakindat na sagot naman ni Hunter. Siguraduhin mo naman na matututo ako baby ha baka lunurin mo lang ako dun hindi ako sanay sa ganyan, pagbibiro ni Mia na kinaaliw naman ni Hunter. Hindi naman baby, basta pagkatiwalaan mo ako. Ipagpapaalam na kita kay Matilda at magsasabi na din ako sa katiwala para hindi ka na mag-alala na wala siyang kasama dito. Umalis na din ang binata para mapuntahan si Matilda. Pagkatapos magligpit ng mga pinagkainan nila, pumunta na din sa kwarto si Mia para makapag-ayos para sa scuba diving nila at makapagpaalam din kay Matilda. Bunso aalis muna ako ha.. Mag scuba diving lang kami nila kuya mo. Paalam nito sa dalaga na naabutan nyang nanonood ng inaantabayanang series sa Netflix. Oo naman ate, ok lang sa akin. Nagpaalam naman si Kuya Hunter sa akin na isasama ka nya para hindi ka na mag-alala sa akin na wala akong kasama dito. Meron naman po ako makakasama. Gusto ko nga po na andun ka para hindi makalapit ang ibang babae si kuya at para magkalapit pa kayo lagi. Panunukso pa ng dalaga kay Mia. Ikaw talaga bunso, fan mo kami ng kuya mo ha.. Payakap na saad ni Mia sa dalaga. Salamat bunso ha. Maaga namin kami uuwi para kasama mo na ako. Kahit matagal pa ate, ang gusto ko lang pagbalik mo dito girlfriend ka na ni Kuya, kinikilig na sambit ni Matilda. Bunso ha, may alam ka ng ganyan.. Hindi ko pa alam kung nanliligaw ba talaga ang kuya mo kasi sweet at maalaga siya sa akin. Yehey, baka naman manliligaw na si kuya sayo ate kaya magiging ate na talaga kita. Ang saya ko na ate pag nagkataon. Yumakap na din si Matilda sa kanya. O siya maghahanda na ako.. Maghahanap muna ako ng masusuot. Tulungan mo ako bunso pumili at inaya nito ang dalaga. Ito ate oh para simple lang pero maganda pagpapakita ni Matilda sa piniling suutin ni Mia.. Isa itong bulaklakin na one piece swimsuit na sukat na sukat sa katawan ng dalaga. May susuutin ka pa naman na scuba suit kaya mas maganda pag one piece ang isuot mo ate. Pagpapaliwanag ng dalaga dito. Salamat bunso ha.. Ito na susuutin ko at pumunta na si Mia sa banyo para magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD