KABANATA V: ANG UNANG PAGTATAGPO

2297 Words
“O, BAKIT natameme ka d’yan?” kantiyaw ni Andrei. Bumangon si Olivia ng hindi pa rin nagsasalita. Bumaba siya at naglakad patungo sa balkonahe. Sa kaniyang kinatatayuan, makikita ang mga nagniningning na bubong mula sa mga maliliit na bahay sa paligid at kung sino-sino man ang dadaan sa harap ng gate ng bahay nila–Andrei. Ang masarap na preskong simoy ng hangin na dumadaan na siyang humahawi sa laylayan ng suot na bestida ni Olivia at katamtamanang sinag ng araw na tumatama sa kinalalagyan ng balkonahe. Sinundan ni Andrei ang kaibigan at umupo sa silyang gawa sa bakal na kinulayan ng puting pintura. “Oliv, tapatin mo nga ako,” humarap sa kaniya si Olivia. “May gusto ka ba kay Gon?” “Alam ko naman na,” umupo si Olivia sa kabilang silya kaharap ang kaibigan. “Kahit sabihin kong wala, alam kong alam mo ang totoo.” “O.M.G., so, totoo nga?!” Ngumisi si Olivia sabay tumango-tango. “All these years, akala ko, ikaw na ang pinaka-virgin Mary dito sa barangay natin.” “Wow, huh, kung makapagsalita ka d’yan, virgin pa kaya ako at saka, ano naman problema mo ro’n?” “Wala naman. Akala ko lang talaga hindi ka nagkakagusto sa mga lalaki. I’m not saying na tomboy ka o ano, akala ko kasi hindi ka naniniwala sa ‘love’. Since your mother,” hindi na tinapos ni Andrei ang kaniyang sasabihin ng mapagtantong malapit niyang malagpasan ang boundary. “I’m sorry.” Ngumisi siya ng awkward sabay nag-peace sign. “Ano ka ba, Drei, ayos lang ‘yon ‘no. Sigurado naman ako na may magandang rason si mama kung bakit niya kami iniwan ni papa.” “Umaasa ka pa rin ba na babalik si Aling Angeline?” “Sa totoo lang, hindi rin ako siguardo kung mahalaga pa bang bumalik siya o– ‘Wag nga na lang natin siya pag-usapan.” “Okay. So, ano na ang plano mo kapag nagkita kayo ni Gon sa hacienda?” “Anong planong pinagsasabi mo?” “Hello? Alam mo, I’m starting to doubt kung paano ka nagiging first honor sa klase natin.” “Hello ka rin! Malay ko ba, hindi naman itinuro sa paaralan kung paano maging malandi.” Diniinan ni Olivia ang pagkakasabi sa huling salita. “Maliban na lang sa ‘yo, it comes to you naturally.” “Ay! Grabe ka naman, Oliv.” Nagtawanan ang dalawa at nagawa pang hampasin ni Andrei ang kaibigan gamit ang kanan niyang kamay. “Bukas, ‘di ba, pupunta ka ng hacienda?” wika ni Andrei sabay upo ng naka-de-kuwatro. “At ano naman kung pupunta ako bukas sa hacienda?” “Oliv, dapat iniisip mo na ngayon kung paano mo siya kauusapin.” “Huh, para saan naman ang pag-uusapan namin?” “Eh, ‘di, kung paano mo siya makukuha.” wika ni Andrei sabay inilahad ang dalawa niyang kamay sa hangin. “Anong makukuha ‘yang pinagsasabi mo?” gulat na sabi ni Olivia. “O, akala ko ba birhern ka? Painosente-inosente ka pa d’yan, doon naman ang bagsak n’yong dalawa!” “Alam mo, Drei, nakakadire ka! Sa totoo lang.” “Talaga ba?” “Oo, talaga lang.” “Pero seryoso, paano mo siya haharapin kapag nagkita kayo roon?” Natahimik si Olivia marahil sa pinag-iisipan niya ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Bigla siyang kinabahan at hindi makapag-isip ng mabuti. Tinatanong niya ang kaniyang sarili, “Paano nga ba?” “Oliv?” Kumaway-kaway si Andrei gamit ang dalawa niyang kamay. “Oliv? Hoy!” Hanggang nakabalik si Olivia sa katinuan. “Huh? Ah . . .” Lumunok siya ng laway. “Hindi ko talaga alam, Drei. Pero bahala na. Sigurado naman hindi na niya ako natatandaan, eh, hindi nga niya ako pinansin noong gabing sinundo natin siya.” “Ayan, lumabas din ‘yang karupukan mo!” “Sino pa ba pagsasabihan ko tungkol sa nararamdaman ko? Eh, pilit ka rin nang pilit! Uuwi na nga lang ako.” Kunwaring nagtatampo si Olivia at saka tumayo paalis-palabas ng balkonahe. “Hoy, teka lang!” Tumayo si Andrei para pigilan ang kaibigan. “Para namang sira ‘to.” Ngumisi lang si Olivia dahil gumana naman ang panunukso niya sa kaibigan at saka dinala siya ni Andrei pabalik sa upuan ng dalaga. “I just want you to be prepared, okay? Ayaw kong ma-heartbroken ka kapag nagkita kayo ni Papi Gon.” “Papi Gon? Anong papi ‘yang pinagsasabi mo?” “Papi . . . as in zaddy!” Nakadikit ang mga ngipin na pinakita ni Andrei kung paano niya ito binigkas. “Kahit talaga, ang dami mong alam na hindi kaaya-aya, Drei. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ‘yan at natatakot ako na baka mahawa ako sa ‘yo.” “Hoy, Oliv! Aba, dapat magpasalamat ka sa akin kasi ako ang tutulong sa ‘yo kung paano mo makukuha si Papi Gon.” Tumaas ang kilay ni Olivia nang sabihin iyon ni Andrei. “I mean, kapag nagkausap kayo, alam mo kung paano mo siya kauusapin. Happy?” “Maraming salamat ginoo sa iyong paglilinaw.” wika ni Olivia at saka natawa. “Haha, nakakatawa ‘yon?” “Sige na, Drei. Paano ko siya kauusapin kapag sakaling magkita kami sa loob ng hacienda?” “So, ito na nga . . .” KINABUKASAN, pumunta sa hacienda si Olivia upang pumasok sa kaniyang trabaho bilang part-time alalay ni Donya Esmeralda. Kinakabahan man ay pinilit niya ang kaniyang sarili na kumalma. Suminghap siya ng malalim bago pumasok sa loob ng gate. Hindi pa siya nakakalayo ay may narinig siyang ingay na nagmumula sa kaniyang likuran. Napalingon siya upang suriin kung ano ito. “Uy, hija?!” Huminto sa gilid si Don Lorenzo. Nagmamaneho ito ng puting electric golf car. Nakasuot ito ng puting t-shirt at short habang may itim na fabric headband sa kaniyang ulo. “Magandang umaga po, Don Lorenzo.” bati ni Olivia sabay bahagyang yumuko. “Sumakay ka na rito at sabay na tayong pumunta sa mansyon.” Nagdadalawang-isip si Olivia kung sasakay ba siya o hindi marahil ay mas kinakabahan siya dahil sa mas mamapadali nito ang posibilidad na makikita niya si Gon. “Hija, ‘wag ka ng mahiya, para ka namang kung sinong tao. Sige na. Baka naghihintay na sa ‘yo si Donya Esmeralda mo at naiinip na ‘yon. Sige ka!” May halong pagbabanta ang boses ni Don Lorenzo. Walang alinlangan na sumakay si Olivia sa golf car, katabi kay Don Lorenzo. “Maraming salamat po, Don Lorenzo.” Nahihiyang ngumiti ang dalaga. “Ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo, Oliv? Na lolo na lang ang itawag mo sa akin.” “Nakakahiya naman po kasi kung tatawagin ko po kayong ‘lolo’. Eh, alalay lang naman po ninyo ako rito.” “‘Di ba, sabi ko na sa ‘yo, hindi ka na iba sa amin. Kaya ‘wag ka na mahiyang tawagin akong ‘lolo’. Okay?” Tumango si Olivia. “Okay po . . . lolo.” At ngumiti siya. Pinaandar na ni Don Lorenzo ang sasakyan at pinatakbo ito ng diretso sa mansyon. Pagdating nila, hindi mapigilan ni Olivia ang kaniyang isipan na isipin si Gon. Mas bumilis ang t***k ng kaniyang puso at panay lingon siya sa paligid dahil baka nandiyan lang si Gon sa tabi-tabi. Napansin naman ito ni Don Lorenzo. Sabay silang bumaba mula sa golf car. “Ayos ka lang, hija?” tanong ni Don Lorenzo habang naglalakd sila papasok sa mansyon. “Magandang umaga po, Don Lorenzo!” bati ng mga katulong pagpasok nila sa mansyon. Ngumisi lang si Don Lorenzo habang hinihintay ang sagot ng dalaga. “A-Ayos lang po ako.” Nahihiyang ngumisi si Olivia. “Sigurado ka?” “Opo.” Tumango si Olivia. “Sige. Maghintay ka na lang diyan sa sofa. Puntahan ko lang si Esme at para ipaalam na narito ka na.” “Sige po. Maraming salamat po.” Iniwan ni Don Lorenzo si Olivia sa sala at tumungo na siya sa hagdan, habang hindi naman magawang gumalaw ng dalaga sa kaniyang kinatatayuan dahil kinakabahan siyang baka sumulpot bigla si Gon. May biglang nanggulat kay Olivia habang nakatalikod siya. “Hoy!” Sa gulat ni Olivia ay napatalon siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi niya napigilan ang sarili na masampal ang lalaking nanggulat sa kaniya. “Aray! Bakit mo ‘ko sinampal?” “Naku! Sorry talaga, Gon. Hindi ko sinasadya.” nababahalang sabi ni Olivia. Gustuhin man niyang haplusin ang mukha ng binata ay hindi niya magawa marahil sa kaniyang hiya at takot na baka magalit pa ito lalo. “Hija? Hija?” tawag ni Donya Esmeralda. “Hija, Olivia? Ayos ka lang?” “Huh, a-ah?” Lumunok ng laway si Olivia. “M-Madam? Ahm, este Donya Esmeralda.” nagulat siya nang makitang nasa harap na niya bigla si Donya Esmeralda. “Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa ‘yo?” Masama ba ang pakiramdam mo?” “A-Ayos lang po ako, Donya Esmeralda. May iniisip lang po ako. Pero hindi po iyon mahalaga. ‘Wag po kayong mabahala. Pasensya na po kayo.” “Kung gano’n, puwede bang puntahan mo muna si Gon sa kuwarto niya? Kanina pa ako naghihintay sa kaniya pero parang may ginagawa pa yata. Ang tagal naman mag-ayos ng batang iyon.” “P-Po?!” “Bakit, may problema ba, hija?” “A-Ah, wala po.” “Sige, hija. Hintayin ko na lang kayo sa sasakyan. Okay?” “Sige po, Donya Esmeralda.” Dali-daling umakyat ng hagdanan si Olivia dahil baka magalit si Donya Esmeralda kapag hindi agad siya kumilos, mainipin pa naman iyon na tao. Natunton agad ng dalaga ang kuwarto ni Gon dahil sa dalawang taon na niyang pagsisilbi kay Donya Esmeralda, kabisado na niya ang pasikot-sikot sa mansyon. Nang nasa tapat na siya ng kuwarto ni Gon, nagdadalawang-isip siya kung kakatok ba siya o hindi. Bumibilis na naman ang t***k ng kaniyang puso, kasabay nito ang panginginig at panghihina ng kaniyang mga tuhod. Donya Esmeralda. Sumagip sa isip ni Olivia ang pangalan ng kaniyang Donya, kaya isinantabi niya ang kaniyang nararamdaman at walang atubiling kumatok ng dalawang beses. Ngunit, tila walang tao sa loob, dahilan upang mag-udyok sa dalaga na buksan ang pinto. Pinihit niya ang busol at sa kaniyang pagtataka, hindi ito nakakandado. Kaya tuluyan niyang binuksan ang pinto. “Dios ko po!” Sobrang gulat ni Olivia nang makita niya si Gon na may ginagawang hindi kaaya-aya sa mata ng ibang tao at lalong-lalo na sa mata ng dalaga. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata upang hindi niya pa mas makita ang nakasusuklam na ginagawa ni Gon. “Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo rito sa lupa para ng sa langit–” At dali-daling lumabas ng kuwarto. Hindi rin maitatago ni Gon ang kaniyang pagkagulat nang makita ang isang babae sa kaniyang harapan, na ngayon ay nakapikit ang mga mata at tila pinagdadarasal nito ang nakakaalibadbad na ginawa niya. Agad na tinanggal ng binata ang suot na headphone at pinagpatuloy pa rin nito ang pagsasalsal hanggang sa marating nito ang sukdulan. Pagkatapos niyang punasan ang kaniyang kalat ay agad siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Nakita niya si Olivia na nakatayo, ilang hakbang mula sa kaniyang kuwarto. Nilapitan niya ito upang kausapin. “Hey, you sneaky-pervert lady!” tawag ni Gon kay Olivia habang palapit ito sa kinatatayuan ng dalaga. Nataranta si Olivia, subalit nanatili siyang nakatayo sa kaniyang puwesto at hinintay ang kasunod na mangyayari. “Tell me, why the hell you just opened the door without my permission? Or you just want to see my pet down here.” Itinuro ni Gon ang kaniyang ibabang bahagi gamit ang kaniyang ulo. Sinundan ni Olivia ang tingin ni Gon na agad din niyang binawi at yumuko. “S-Sorry po, Sir Gon. Hindi ko po sinasadyang makita ko po ang–Ipinapatawag po kayo ni Donya Esmeralda.” Nilakasan niya ang kaniyang loob at hindi nagpadala sa kaniyang kahinaan. “Next time, kung gusto mo ‘ko tulungan, sabihan mo lang ako. Hindi ‘yong huli ka nang dumating sa party.” bulong ni Gon at saka nauna nang bumaba ng hagdan. Tila naging taong yelo si Olivia sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwalang hindi siya nakasagot sa sinabi ni Gon at naiinis siya para sa kaniyang sarili. Hindi rin niya akalain na magiging gano’n ang una nilang tagpo at pag-uusap. “Sobrang bastos ng lalaking ‘yon!” wika ni Olivia nang may panggigil. Nang matandaan niyang naghihintay pala si Donya Esmeralda sa sasakyan ay agad siyang bumaba at patakbong dumiretso sa labas ng mansyon. Dahil sa suot niyang doll shoes at madulas na sahig, nakatuon ang kaniyang mga mata sa laryong sahig.Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nasubsob siya sa likod ng isang lalaking naglalakad palabas ng mansyon. Mahinang napaungol si Olivia sa sakit ng kaniyang ulo dahil sa pagkakasubsob. “You know what, ang obvious mo na. Gano’n mo ba talaga ako kagusto?” walang atubiling sabi ni Gon kay Olivia. Habang hinihimas ni Olivia ang kaniyang ulo, “Ano? Hindi ako makapaniwala na ganiyan ka na pala mag-isip at magsalita.” Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad at iniwan si Gon. Pagdating ni Olivia sa sasakyan. Agad siyang pinagbuksan ng bantay at sumakay. “Hija, nasaan ang apo ko?” wika ni Donya Esmeralda habang nakaupo sa harap. Sasagot na sana si Olivia nang biglang magsalita si Gon. “I’m here, lola.” At saka umupo siya katabi ang dalaga. Pinaandar na ng drayber ang sasakyan at pinaktbo ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD