Rosette's POV PARA AKONG mamamatay dahil sa sobrang kaba. Ngayon ay nasa airport na kami. May susundo raw sa amin. "Akin na muna si Homer baka nangangalay ka na." Ani ni Alvin. Kanina pa nga ako nangangalay dahil mabigat ang anak ko. Hinihintay nalang namin ang susundo sa amin. Ibinigay ko na muna ang bata kay Alvin. Nilalaro na naman niya ito. Napagtanto ko na malapit pala si Alvin sa mga bata. Sana lahat ng lalaki ay kagaya niya, iyong may magandang personality! "Nandiyan na si Andrew." Ani ni Alvin. Jusmi, biglang lumakas ang t***k ng puso ko. May pumaradang kotse sa aming harapan at may isang lalaking bumaba roon. Naka-smile itong tiningnan sina Alvin. May hawig ito kay Alvin at Elthon. "Oh my, ito na si Homer?" Hindi makapaniwalang wika nito. "Of course." Masayang sagot ni

