BINABALAAN KO KAYO NA ANG CHAPTER NA ITO AY NAPAKASENSWAL, HUWAG BASAHIN DAHIL MAY MGA SALITANG HINDI ANGKOP. READ AT UR OWN RISK. "Ma'am, kailangan po kayong pumunta sa presento for statement." Ani ng kabilang linya. Napasinghap ako, hindi ko gustong pumunta roon ngunit wala akong magagawa. Hindi ko rin masasama si Rosa dahil wala ito. Araw-araw nalang wala ang babaeng iyon. Mabilis akong nag-ayos at umalis ng apartment. Itong nangyari na ito ay hindi alam ni Kevin. Ayokong malaman nito ang mga nangyayari sa akin. Ikakasal na kami at ibabaon ko na ang lahat sa limot. Nakarating ako sa presento ay nagtungo sa office ni Mr. Macapagal. Nadatnan ko itong may mga ginagawa. "Ma'am Rosette, upo ka." Ani nito. Umupo ako sa harap. Mariing kong pinagmasdan si Macapagal. Gwapo ito pero mukh

