Third Person's POV "Louisa, samahan mo naman ako sa mall." Wika ko kay Louisa noon nakaraang buwan pa ito sa mansyon at madali ko namang nakahulugang loob ang babae. "Huhulaan ko ang bibilhin mo... manggang hilaw na naman diba?" Magiliw na wika ni Louisa sa akin. Naglilihi na naman ako, dalawang beses na akong naghahanap ng mangga. "Hayaan mo nalang kasi ako." Giit ko rito. Last week lang napag-alaman naming buntis ako. Masaya naman sa pakiramdam kahit kapapanganak ko pa palang kay Homer. 3 months na ito ngayon. "Oo na, sasamahan kita." "Salamat." Napayakap ako rito. "Hintayin mo ako rito, ha. Magpapaalam lang muna ako kay Elthon." Umakyat ako sa kwarto ni Elthon. At pagbukas ko ay tumambad sa akin ang naka-boxer niya lang na katawan habang akay-akay si Homer. Nasa kwarto na ni

