Samantala ay late nang gumising si Elthon dahil napasarap siya ng tulog. Naligo na muna siya at pagkatapos ay bumaba na dahil nagugutom na ang kanyang tiyan. Nang makarating sa komedor ay wala na ang kanyang pamilya. Tapos na siguro ang mga itong kumain! May mga pagkaing tinakpan lang sa mesa kaya umupo na siya. "Hindi ka pa pala kumain?" Biglang tanong sa kanya ni Rosette at umupo ito sa harap niya. "Not yet." Tipid niyang sagot. Mukhang sabay silang kakain ng babae. "Sabay na tayo, hindi pa kasi ako kumain, naligo muna ako at si Homer." Anong nakain ng babaeng ito, kagabi bigla itong nagalit sa akin. Ngayon naman ay masaya ito. "Okey." Tanging wika niya. Kumuha siya ng kanin at fried chicken. Hindi siya komportableng kaharap kumain si Rosette. "Alam mo, naalala ko iyong din

