MAINIT NA NAGLAPAT ang mga labi ni Ivan. Parang sabik na sabik sa bawat isa, ah hindi nga pala parang, kundi sabik na sabik kami sa isa't isa. Sa ganitong paraan maipaparamdam ko kung gaano ko siya kamiss at kung gaano ko siya kamahal. Ang tagal kong naging tanga at lumayo sa kaisa-isang lalaking minahal ko ng dahil lang sa taas ng pride at kagagahan ko. Walang kwenta lang naman pala ang lahat ng dahilan ng paglayo ko. "Aw!"napalakas ang pagsandal niya sakin ng maibukas at makapasok kami sa pinto ng kwarto namin. Dito na kami dumeretso after naming makipag-usap sa higad na Celine na iyon. May kaunting briefing din si Ismael kay Ivan ng tungkol sa magiging takbo ng kaso niya kaya ginabi na kami. And most important kaya kami ginabi kasi nagpakasal kami ulit ni Ivan. I force him to marry m

