BU: LVL 16 Maganda ang gising ni Fina at maaga syang pumasok sa opisina. Halos lahat ay nakapansin sa pagiging iba nito pero hindi nya sila inintindi. Ang tanging naiisip nya ay ang masayang getaway with Ezra at hindi nya maiwasang mapangiti mag-isa ng biglang magtext ang binata. Ezra: Good morning, sunshine! I have a surprise for you! At mas lalo syang napatawa na rinig ng lahat. “Oooops! Good morning!” pagbati nya sa mga ito tsaka nagreply. Fina: So ano naman ang surprise mo this time? Tanong nya pero hindi sumagot ang binata kaya minabuti na nyang pumasok sa opisina. Pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses. “Fina!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” halos napaatras si Fina sa s

