BU: LVL 10 Maagang pumasok si Fina sa trabaho para na rin tingnan kung ano ang mga kailangan nyang habulin. At dahil alam ni Polla na ngayon ang araw ng pagbalik ni Fina ay inilagay na nya sa table nito ang mga dapat gawin. “Life must go on, Fina! This is it!” Sabi nya sa sarili na pinapalakas ang loob. Ito ulit ang araw na sisimulan nyang sanayin ang sarili na wala si Harvey. Hindi pa man sya tapos sa ginagawa ay tumunog ang kanyang phone at nakitang tumatawag ang kaibigang si Kari. “Ano na naman yun?” Bungad nito sa kanya. “Wala naman, baka kasi ma-late ka sa trabaho kakapantasya mo dun kay mystery guy.” Pagbibirong sabi ni Kari. “Alam mo kahit konti hindi ko man lang sya naisip. Duh, parang yun lang. Hindi sya gwapo at hindi sya worth it ng virginity ko kaya

