Napatay na ng mga duwende ang apoy sa maliit na parte ng isla na tinamaan ng bala ng kanyon. May isang puno ng niyog na natumba at ilang mga halaman ang nasunog. Maliit na pinsala kumpara sa naganap noon tatlumpong taon na ang nakararaan. Wala na rin ni anino ng isang tao ang natitira sa paligid. Tinabunan nila ang bakas ng dugo mula sa taong pinakain na nila sa pating. Pati ang barko o isa mang bangka na na kanilang ginamit ay wala na sa paligid. Bumalik sila sa kani-kanilang mga ginagawa bago dumating ang mga hindi inaasahang mga bisita ngunit si Merrick mula nang dalhin nila sa sentro ng kanilang isla ay tahimik lang at hindi umiimik. Nakatingin lang siya sa kaniyang kamay na nabahiran ng dugo ng taong kaniyang napaslang. Wala ng kahit katiting na patak sa kaniyang balat o naiwan na ma

