Chapter 27

1631 Words

Napanganga na lamang si Sage sa labis na pagkagimbal. Gusto niyang sumigaw ngunit walang kahit anong salita ang lumalabas sa kaniyang bibig. Nanlambot ang kaniyang tuhod at napaluhod sa buhangin habang nakatingin sa kaniyang amang nababalot pa rin ng apoy kahit lumipad na paitaas ang dragon. Nag-unahan ang kaniyang mga luha na pumatak. Biglang sumagi sa kaniyang isip ang kaniyang nakatatandang kapatid na roon din sa islang iyon ang destinasyon nang nawala at hindi na kabalik sa kanila. Tanging luha na lamang niya ang nangusap. Natatakot siyang baka siya na ang isunod lalo pa at narinig niya ang paglapag ng malalaking pares ng mga paa mula sa kaniyang likuran. Nakita rin ng binatilyo ang pangyayari. Nagmadali siyang tumakbo papunta sa dalaga. "Binibini? Tara na't tumakbo!" Natatarantan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD