Part 2

1416 Words
NAALIMPUNGATAN si Joel sa tunog ng lagaslas ng tubig. Hindi na sana niya papansinin dahil puyat siya kagabi at gustong makabawi dahil inilibre niya ang mga supervisor. Kapag natatapos ang month-end report at lumagpas sila sa sales goal ay inililibre talaga niya ang mga tauhan. Pero patuloy sa pagtulo ang tubig sa banyo. At parang ang lakas-lakas ng pressure dahil umaabot sa kanyang mga tainga ang tunog samantalang nasa magkabilang dulo ang bathroom at kama. Pumikit siya para lang mapadilat uli nang mahimasmasan. Who could be in his shower? Sarili niya ang kuwarto. O mas tamang sabihing sarili niya ang bahay. Paano magkakaroon ng ibang tao roon at sa mismong banyo pa niya? Napabalikwas siya, uncaring if he was as naked as a newborn baby. Salubong ang mga kilay na tinungo niya ang banyo. “I must be dreaming,” mahinang sabi niya. May naliligo nga sa shower. At hindi kailangang buksan ang smoked glass na dibisyon ng toilet and bath para malamang babae ang naroroon. From that distance, he could see the woman was sexy. She had a well-shaped butt and immense breasts. At parang may tiyempo ang bawat paghagod ng mga kamay sa sariling katawan habang nagsasabon. Mariing ipinikit ni Joel ang mga mata, inisip na pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon at dala lang iyon ng hangover. Muli siyang dumilat para lang makitang totoo ang imahen. Mayamaya ay tumigil ang babae sa ginagawa nang siguro ay maramdamang hindi ito nag-iisa. Isinungaw ng babae ang ulo sa sliding door. “Good morning, Joel. Wanna join me?” He was shocked. At na-realize na hindi siya nananaginip lang. May naliligo nga sa shower at babae pa. Babaeng ubod ng sexy at maganda kahit gulo-gulo ang buhok na may bula pa ng shampoo. Nawala sa pagkakasungaw ang babae. Muling tumapat sa dutsa at mabilis na nagbanlaw. Tumutulo pa ang tubig sa buong katawan nang humakbang ito palapit sa kanya. And like him, wala rin itong pakialam kahit nakahubo’t hubad. After all, she had the guts to use his bathroom. Nalanghap niya ang preskong amoy nito. She also used his soap and shampoo. “Ako pa ba ang magpapaligo sa iyo, Joel?” tanong ng babae, nang-aakit ang boses. Joel cleared his throat. Malinaw na imbitasyon ang hubad nitong katawan na nakahain sa kanyang paningin. Iniiwas niya roon ang tingin. Pero mahirap itago ang reaksiyon ng sariling katawan. Pilya ang ngiting sumilay sa mga labi ng babae nang bumaba ang tingin doon. “What are you doing here?” tanong ni Joel. Gusto niyang mainis sa pagbabagong nangyayari sa katawan pero naisip din na dapat pa nga siyang matuwa. Palatandaan lang iyon na normal siyang lalaki. Who wouldn’t get aroused when there was a nude woman in front of him? At huwag nang idagdag pa roon na dati niya itong girlfriend. And they even had a fair share of wild tumbles in bed for countless nights. And days. Depende kung anong oras ito makakalibre sa hospital shift. Nurse si Vinia sa district hospital sa San Esteban. “Silly question.” Mahina pero sexy rin ang tawang pinakawalan ni Vinia, tiwalang dumantay ang kamay sa balat niya. At sa mismong bahagi pa na parang naghahanap ng laban! “Gamutin natin ito. Grabe ang pamamaga.” Nagpatangay na si Joel nang hatakin siya ng dalaga pabalik sa shower. She was wilder than he could ever imagine. Bale-wala yata rito kung bagong gising siya at hindi pa nakakapagmumog man lang. It seemed like she could eat him alive. At sa halip na mint mouthwash ang magamit ay may sabon pa yata ang tubig na ipinangmumog niya. They barely made it under the shower. Ni walang nakaalalang dapat isara ang shower kapag wala nang gumagamit. Basa ang mga katawang ibinagsak nila ang mga sarili sa kama. There, he got his satisfaction for the day. What a nice morning to start the day! “Now tell me, what are you doing here?” tanong ni Joel nang sa wakas ay tapos na sila. Vinia was still on top of him, sitting astride him. She knew very well that if she would keep on doing such skilled movement, maghapon na silang hindi aalis ng kama. “You know, Joel Alexander?” Yumuko si Vinia at hinalikan siya sa baba. Her twin peaks brushed against his chest. Alam niyang sinadya nito iyon to make him hard again. She was really a tease! “Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak mo. Isn’t it obvious? I want to win you back!” In a second as short as snap of a finger, lahat ng bahagi ng katawan niyang matigas ay lumambot. “I’VE REALIZED my faults, Joel. Sorry sa lahat ng iyon. Please, let’s start again.” Sa pagitan ng mga salitang iyon ay patuloy si Vinia sa paggalaw sa ibabaw niya. Pero para na siyang ibinabad sa yelo. Anuman ang gawin ng dalaga ay hindi na maibalik ang dati niyang sigasig. He was like that. Kapag ayaw ay ayaw, huwag nang pilitin. And maybe, he was just a normal man who had been celibate for months now kaya madali siyang natangay kanina. But he had enough. Mapapagod ang mga kamay at mga labi ni Vinia pero hindi na uli siya nito mapagsasamantalahan. Dahil nasaling nito ang ayaw niya. Vinia was good. At noong may relasyon pa sila ay proud din naman siya sa dalaga. Propesyonal, may magandang trabaho, at maganda pa. Beauty and brains, indeed. And not necessarily in that order. Pero para sa kanya, kapag tapos na ang isang relasyon ay tapos na. Period. Hinawakan ni Joel si Vinia sa mga balikat at marahang inialis sa kanyang ibabaw. Gumuhit ang lungkot sa anyo ng dalaga kaya nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang makipagbalikan dito dahil lang nadala siya ng awa. “Hindi na tayo puwede, Vinia. Alam mo naman iyon, `di ba?” Bumaba ang dalaga mula sa kama. Mabilis na pumasok sa banyo at kinuha ang mga damit. Nakabihis na ito nang muling humarap sa kanya. Gone was the look of a passionate, sensual woman. Now, she looked very dignified and professional. Mas mapagkakamalan pa ngang doktor ito sa halip na nurse. “You’re so unfair, Joel. Why won’t you give me another chance?” may hinampong wika ng dalaga. “Vinia, we’re still friends. Kahit naman anong tulong ang hingin mo, basta kaya ko, hindi ko ipinagkakait.” “I’m not asking for your help. Malinaw naman ang sinabi ko. I want to win you back.” “You know the answer to that, Vinia,” nababagot na sagot niya, saka bumaba ng kama at nilagpasan ang dalaga para pumunta sa banyo. Now he needed a real bath. Nagmartsa si Vinia pabalik sa banyo. Sumunod sa kanya at huminto lang nang hilahin niya ang sliding door. Pero tumapat din ito roon. “Please, Joel.” Halos magmakaawa na ang boses nito. “Promise, you will always be my priority. Hindi kita ipagpapalit kahit may manganganak sa ospital. Kahit nasa delivery room na ako, iiwan ko basta tumawag ka.” Napailing si Joel habang naliligo. Dinig na dinig niya iyon at alam niyang imposibleng mangyari ang sinabi ni Vinia. Isa pa, hindi naman siya ganoon ka-unreasonable. Kaya niyang unawain ang trabaho ng dalaga. Hindi naman ang pagiging nurse nito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. He fell out of love. Mas gusto niyang gamitin ang mga terminong iyon kaysa sa salitang “tinabangan.” Dahil noong may relasyon pa sila, he really cared for her. Iyon nga lang, hindi na rin ganoon kalalim ang damdaming iyon. Dahil na rin iyon sa isang bagay na kasalanan mismo ng dalaga. “Please, Joel,” pakiusap ni Vinia. “Bakit hindi mo na lang ibaling sa mga kasamahan mo sa ospital ang atensiyon mo?” naiinis sabi niya. He hated those words. Pero minsan, kailangang gamitin, lalo na at nagbibingi-bingihan ang kausap sa nais niyang mangyari. “Ikaw ang gusto ko,” matigas pa ring sabi ng dalaga. “Vinia, please.” “Joel!” Binuksan ng dalaga ang pinto, walang pakialam kung mabasa man. Pormal ang mukhang nilingon niya ito. “You know it’s over, Vinia.” Nalaglag ang mga balikat ng dalaga at walang kibong tumalikod. Nakahinga naman siya nang maluwag at ipinagpatuloy ang paliligo. But it puzzled him somehow. Vinia wasn’t like that. They always contradicted each other. Kapag ayaw niya ay lalo itong nagpupumilit. Ngayon lang ito sumuko nang ganoon kadali. At hindi niya alam kung dapat niyang ipagdiwang o ikabahala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD