Ang Rebulto ng Demonyo

1211 Words
Isang kuwentong kutchero lamang ang rebulto ng demonyo na makikita raw sa isang lumang sementeryo sa Rizal. Ngunit sa panahon ng dekada otsenta ay nagbago ang paniniwala ko tungkol dito. 1983 Napagdesisyunan namin ng mga barkada ko na bumiyahe pa Cainta para dumayo ng disco. Nagskip kami ng biology class upang magpalit ng mga “in” na damit para hindi kami magmukhang jologs. Ready na ang aming mga puffed hairstyles na amoy na amoy ang nakakasulasok na setting spray. Suot na din namin ang naglalakihang long sleeves at hapit na hapit na acid wash jeans. Ready for the disco na, ika nga nila. Sumakay na kami sa kakalay kalay na sasakyan ng kaibigan naming si Rodrigo. “Rod, hindi naman tayo biyaheng langit ano?” biro ng isa pa naming kaibigan na si Jorge. Dahil kung tutuusin talaga ay lumang luma na tignan ang sasakyan nito. “Mas malakas pa ito sa lola mo ‘no!” sagot naman ni Rodrigo at nagtawanan kami. Maayos naman ang biyahe namin at sabay sabay na kumakanta at ibinubuga ang aming damdamin sa kantang “Total Eclipse of the Heart” na noong panahon na iyon ay sobrang hit. Padapit hapon na din at napagdesisyunan muna namin kumain sa isang paresan sa gilid ng kalsada. Habang kumakain ay ineengganyo kami ng tindero ng pares na libutin ang lumang sementeryo na halos tawid lamang namin. “Makikita niyo doon yung libingan ni Joaquin Arnaiz. Ang lalaki na nagpatayo ng isang rebulto na animo’y demonyo ang hulma upang siya’y bantayan hanggang sa kabilang buhay.” Kuwento pa ng tindero. Dahil nananalaytay sa amin ang dugo ng mga faith healers o albularyo ay ako na mismo ang tumanggi sa alok ng tindero. Dahil masamang makipaglaro sa demonyo, sabi ng lolo ko. Hindi ka nila lulubayan hanggat hindi ikaw ang talo. “Wushu, napaka kill joy mo naman, Lalaine!” kantiyaw sa akin ng mga kaibigan ko. Ngunit nanindigan ako at hindi sumama. Iniwan nila ako sa bungad ng lumang sementeryo habang silang lima naman ay nagkanya kanyang grupo. Si Rodrigo, Charmaine, at Eli ay sa kanang bahagi ng sementeryo nagsimula. Habang si Jorge at Victoria ay sa kaliwa. Kahit na sinasabing luma at abandonado na ang sementeryo ay maayos pa ang ibang mga libingan at lapida dito. Dahil halos kakalubog lamang ng araw ay mamula mula at napaka eerie ng paligid. Kalahating oras na yata ako na naghihintay sa labas nang marinig kong sumisigaw ang mga kaibigan ko. Pareho nilang sinabi na nakita nila ang rebulto ng demonyo. Pero paano nangyari iyon? Magkaibang direksyon sila dumaan. Dahil na din sa kuryosidad ay pumasok na din ako sa sementeryo. Sama sama na kami sa pagkakataong ito. Sa pagkakaalam ko, madalas sa mga sementeryo ay malamig ang ihip ng hangin ngunit dito sa sementeryong ito ay napaka alinsangan ng pakiramdam. Habang naglalakad ay walang humpay si Victoria sa pagsabi na “ang demonyo ang tanging nagbantay kay Joaquin at hindi ang Diyos.” “ang demonyo ang tanging nagbantay kay Joaquin at hindi ang Diyos.” “ang demonyo ang tanging nagbantay kay Joaquin at hindi ang Diyos.” “ang demonyo ang tanging nagbantay kay Joaquin at hindi ang Diyos.” Hinarap ko si Victoria at doon ko napagtanto na parang may kakaiba sa mga kaibigan ko… parang hindi sila ang mga kaibigan ko. Sa takot ko ay tumakbo ako upang lumabas na pero hindi ko na mahanap ang palabas dito. Paano nangyari iyon? Inikot ko ang paningin ko at napansin ko na ang kanan at kaliwa ko ay tila pareho ng itsura. Parang natrap ako sa isang salamin. Pumikit ako at kinalma ang puso ko na sobrang lakas ng kabog. Sabi ng lola ko lalo kang paglalaruan ng demonyo kapag naramdaman niyang balisa ka. Sa tingin ko, ang una ninyong ipapayo sa akin ay magdasal. Ilang beses na bang maling diyos ang natawag ng mga namamanata? Hindi dasal, kundi pananalig. Tiwala sa Maykapal na Siyang makapangyarihan sa lahat. Nang idilat ko ang mga mata ko nakita ko na ang sinasabi nilang rebulto ng demonyo. Animo nga ba’y binabantayan niya ang nakalibing doon. Dahan dahan akong lumapit sa rebulto. Hukot ang likod nito at may pakpak na tila nasunog. Hugis ng buwan ang mukha nito at nakangiti. May buntot din ito na matulis at dalawang sungay. Kung ang ibang rebulto sa mga sementeryo ay puti, ito nama’y kulay itim. Tiyak na magdadala ng takot tuwing gabi. Hindi ko alam kung tama ba ang tingin ko o talagang pula ang mata nito. Parang totoo. Hindi na akong masyadong lumapit at tumalikod na lamang. Sa pagkakataon na ito, kalmado na ang puso ko. Mahina kong tinawag ang pangalan ng ating Panginoon at anak nitong si Hesukristo. Bakit ako mangangamba kung isa akong anak ng Diyos, di ba? Lumuwang ang dinadaanan ko at nakita ko na ang palabas sa sementeryo. Nakita ko na din ang mga kaibigan ko na “half awake” ang itsura. Alam kong susundan kami nito at paglalaruan pa. Kaya imbis na sa disco ang tungo namin ay sa pinakamalapit na simbahan kami pumunta. At doon ay ikinuwento sa amin ng pari ang tungkol kay Joaquin at sa rebultong demonyo. “mayaman ang angkan ni Joaquin at nabiyayaan din siya ng isang magandang pamilya. Pero noong magtapos ang World War 2, halos nalipon ang buo niyang angkan at nagkaroon ng sakit sa baga ang mag ina niya.” “Araw araw ay nag aalay ng misa si Joaquin para sa kanyang asawa at anak. Namanata din siya sa pagbuhot ng rebulto ni Hesus upang humingi ng milagro. Ngunit alam kong mas may mabuting hangarin ang Panginoon kung kaya’t binawi na nito ang kanyang mag ina.” “Nawalan ng pag asa si Joaquin. Nawalan ng tiwala sa Diyos. Sa mismong harapan ng simbahan ay winasak niya ang rebulto ni Hesukristo.” Pigil hininga kong pinapakinggan ang kwento ng pari. Malungkot din pala ang buhay nitong si Joaquin. “dahil dito ginawa niya lahat ng bagay na hindi pinapaboran ng Diyos o maging sa mata ng tao.” “b***l. Prostitusyon. Droga. Diyan kilala si Joaquin. Iyan din ang dahilan ng kanyang pagpanaw.” Tumayo ang pari at humarap sa altar. “Naligaw si Joaquin… at walang ni isang tumulong, dahil walang kahit na sino ang pwedeng maghilom sa puso niya… kung hindi siya.” “Yung rebulto po. Bakit po nandoon? Siya din po ba ang may hiling non?” tanong ko at tumango naman ito. “Oo, ang sabi sabi, kampon na ng kadiliman ang itinuring ni Joaquin na sandalan. Sumasali din siya at ang kanyang grupo sa mga kulto. Kung kayat hinabilin niya na sa oras na mamatay siya, hindi rebulto ng anghel ang itabi sa kanyang libingan, kung hindi ay rebulto ng demonyo.” Matapos ang kwentong iyon ni Father ay pinagpray over niya kami at hinayaan muna kaming tumuloy sa simbahan at magpaumaga. Hindi pa din mawaglit sa isip ko kung gaano kalungkot ang naging buhay at katapusan ni Joaquin. Kaya bago umalis ng simbahan ay nagtirik ako ng kandila para sa kanyang kaluluwa. At sana mahanap na nito ang daan pabalik sa tunay at nag iisa nating Diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD