nagpupumiglas ang pusang hawak ko gusto na nitong makawala Sa mga kamay halos tumirik na ang Mata nito Sa kakapiglas ito na, maydugo na akung nakikita kaytagal ko tong di naamoy ang mababangong at kulaypula nito, naglalaway na ako tumutulo ito Sa katawan ng pusa.
'Tok tok tok, Elaine andito kaba? Papasok ako' Si Roxanne ito' bumalik agad ako Sa sarili ko, imahinasyon lang pala ang lahat nakatakas ang pusa saking pagkahawak at agad tumalon sa bintana ,binuksan ni Roxanne ang pinto at pumasok.
'Elaine? Ano nangyare sayo? Bat ang putla mo? May sakit ka ba?' Agad lumapit sa roxanne sakin at hinaplos ang aking ulo kung mainit ba ito natakot ako saaking imahinasyon sa pusa kanina ano ba ang mangyayari saakin? nagiging aswang naba ako? aswang ba tong si Roxanne at sya lang naman ang nag sha-share saakin ng pagkain dito sa kwarto.
Muling sumakit ang aking Tyan at nag init ang aking katawan karne, karne gusto ko na naman ng karne, napatitig ako sa pulang labi ni roxanne na maybahid ng lipstick at ng leeg nito na makinis parang gusto ko itong sipsipin ang mga dugo nito gusto ko iyon.
Agad akung pinagpawisan nawawala na naman ako kailangan ko itong labanan leeg o kaygandang leeg roxanne gusto ko iyong inumin ang yung mga dugo.
'Elaine elaine!' Rinig kong sambit ni roxanne ngunit napakahina nito ramdam ko ang pag yoyugyug nito sa akin pero parang hinihile ako nito na sinasabing 'sige lang sipsipin mo ako masarap ito-
'Elaineeeee' agad akung bumalik saking sarili ng sampalin ako nito ng pagkalakas lakas
'Rox--anne' nagulat ako, na baka , baka mahalata nyang nasasapian na ako ng engkanto, eto ang kitatakutan ng aking ama ang makagawa ako ng malagim na pangyayare, pero ano ba ang nangyayari saakin?
Tumakbo ako papalapit sa box ko na nasa ilalim ng kama kinuha ko ang bagay na binigay sakin ni papa bago ako umalis
Isa itong Balahibo ng Manok na kulay pula, aamoyin ko lang ito at babalik ako sa sarili ko
'Elaine? Ok ka lang? ' balik tanong sakin ni Roxanne
'Oo, Salamat Roxanne kung di mo ko nasampal siguro ano' habang sinisimhot ko ang balahibo ng manok na talaga namang nakapagpa relax sakin
'Ano?' Takang tanong nito sakin
'Ano baka nabaliw na ako Haha' muli kung itinago ang balahibo sa box at binalik sa ilalim ng kama , ' Nga pala roxanne, mag gogrocery Lang ako, baka gutom Lang yun kanina Kaya ako nagkaganito' pagpapaalam ko dito, kailangan ko ng umalis baka bumalik na naman pagiging weirdo ko
'Sige Elaine, mag iingat ka ha matutulog Lang ako' humiga Si Roxanne Sa Kama at kitang kita ko ang kinis ng katawan nito, agad akung lumabas ng kwarto at isinirado ato, Hindi pwede labanan Mo to Elaineeee! Bigkas ko saking sarili tumungo akung grocery store at doon ako bumili ng maraming karne.