Alas kuwatro ng Hapon isa isa ko na silang Ginising lahat ,nagtipon tipon kami sa Sala kung saan ang iba ay nakasuot ng halos ipaglantaran na ang buong katawan na animoy handang handa sa isang gimikan, ang sarap.
Napansin kung May ipinahid si Roxanne na bagay sa kanyang tyan na agad namang isinilad sa suot suot nitong bag, dahil sa tapang ng baho nito agad ko itong nasimhot ang baho! Ayaw na ayaw ko ang baho nito! Isang langis! Bat may dala itong langis? Hindi pwede ito!
4:45 lumabas kami ng bahay, Pupunta kaming Center Hall Kung saan dinadala ang mga pagkain , halatang excited naman ang lahat dahal bakat sa labi nila Tuwa
13 lamang kaming pupunta sa Center hall dahil si Roxanne at Sally ay nagpaiwan sa Mansyon di muna raw sasama si Roxanne dahil sumasakit parin ang Tyan nito habang si sally ay sasamahan nalang si Roxanne di rin maipagkakaila na close ang dalawa sa isat isa
'Malayo pa ba tayo Elaine?' Arteng tanong ni Sheena naiinis na ako sa boses ng babaeng to ang tinis ang sakit sa tenga ang sarap tanggalan ng mga labi
'Medyo, mahaba haba pa tayo Sa center hall, pahinga nalang muna tayo kung di nyo na kaya' pangiti ngiti kung Sambit sakanila mabuti narin to para madilim dilim na kaming makakarating roon naglalakad lang kasi kami dahil makitid at maliit ang daan hindi pwede ang mga sasakyan.
'Mabuti pa nga, pahinga muna tayo' si alen na naka high heels bakla talaga ang sarap ilublub sa sarili niyang mga dugo.
Nagpahinga kami sa isang malaking bato na kitang kita ang magandang tanawin relax na relax naman ang mga hunghang ang nagsikuhanan na naman ng mga litrato sa isat isa wala silang kamalay malay na ito na ang huli nilang tanaw sa mundo at huling araw.
'Tara na ,baka maabutan tayo ng dilim' suhestyon ko sa kanila muli kaming naglakad papuntang center Hall at ilang metro nalang ay malapit na kami sa aming destinasyon kung saan lalagak ang sariwang dugo, dugo ng mga taong makasalanan kaya nararapat lang siguro ito sa kanila.
Akala siguro nilay madaling mapapaikot ang lahat, alam ko ang background ng bawat isa na talaga namang inilihim ito sa publiko.