Lumipas ang mga araw, linggo naging hiyang narin ako Sa paaralang pinapasukan ko unti unti ring dumarami mga kaibigan ko na sya namang kinatuwa ng puso ko hindi ko kasi pa ito nararanasan noong akoy nasa probinsya namin.
'Elaine sama ka samin? Gala tayo mall gaming ganun' pag aanyaya sakin ni Aylen kaklasi ko isa syang bakla alen true name nya ayaw nya kasing tawagin ng alen nakakalalaki raw
'Sige na Elaine sama ka marami gwapo run sis 'malanding sabi ni Merlyn maganda rin si Merlyn at di yun mapagkakaila.
Window shop lang yung ginagawa namin, Wala raw mga pera Haha enjoy naman silang kasama kaya lang biglang sumakit na naman tyan ko nagugutom ata ako
'Criz uwi muna ako mauna na siguro ako sa inyo sumasakit tyan ko eh gutom ata haha' seryoso masakit talaga tyan ko yung parang natatae sinabihan ni crizza ibang kasama namin ihahatid pa sana nila ako pero tumanggi na ako nakakahiya kaya.
Pagdating ko sa kwarto naabutan ko yung kasama ko raw natutulog sya himbing na himbing ang taas ng buhok nya, yung kuko nya ang haba at ang puti nya , di ko nalang sya pinansin dahil himbing syang natutulog
Kinuha ko yung mga pagkain na pinamili ko at kumain ng Karne at kanin paborito ko kasi yun , nawala yung sakit ng tyan ko gutom lang pala , pagkatapos kung kumain ay naghugas ako at natulog naantok narin kasi ako Afternoon class ko uuwi ng alas Sa-is pasado 9 na namasyal pa kasi kami kanina dahil sa sobrang pagod narin naka idlip agad ako
Naalimpungatan ako Sa aking pagkakatulog may biglang dumampi saking katawan na parang basa na bagay lumipat ako ng posisyon ng pagkahiga Bale nakaharap naku Sa dingding, ngunit di parin ako makatulog meron kasing gumagalaw galaw
Hindi ako nagpahalatang gising bagkos nag tulog tulogan ako baka magnanakaw mamatay Pa ako ng wala Sa oras
Sinubay bayan ko ang bawat galaw nito.... Nang bigla akung hawakan Sa Paa bigla akung bumangon at tumakbo papuntang switch ng ilaw binuksan ko ito at...
Isang babae, basa ang napakahabang buhok nito at ang putla nya kinabahan ako tumingin ito sakin at tumayo
'Hi, I'm Roxanne your room mate, matagal ka na Ba dito? ' pagpapakilala nito, tama ito yung natutulog kanina Sa kabilang Kama, napanatag ang kaloobon ka buti nalang mabubuhay Pa ako
'Ahhh,, ah kakalipat ko Lang nung nakaraan, Elaine pala' pagpapakilala ko rito maganda sya lalo Nat Sa malapitan ang sexy ng katawan niya at napakaputi yung babaeng nakikit niyo sa mga palabas na hating gabi nag paparty pa.
'Natakot ka ata Haha di ako Aswang ano Haha tulog ka na uli, aalis din ako Maya2 may opening kaso ng bar naimbitahan akong kumanta" pagpapaliwanag nito habang nag lalagay mg extension sa pilik mata.
Nakabahan ako doon sa sinabi nyang Aswang may mga kwentong bayan parin din pala dito sa Maynila kaya ang ginawa ko nalang ay humiga ako uli at agad-agad din kinuha ng kadiliman.