Roxanne
'Aray ko, pasakit ng pasakit ang tyan ko sally' di namin alam ni sally ang gagawin hindi ko alam pero parang dama ko na halos bibiyak na yung Tyan ko sa sakit
'Tawagin ko kaya ang nanay ni Elaine ,rox? Siguro naman ay alam nya kailangang gawin sa iyo' nagpasya si sally na tawagin ang ina ni Elaine habang hinihimas himas ko naman ang tyan kong mabiyak biyak na sa sakit nilagyan ko ng langis ang mga kamay ko kahit papano naiibsan nito sa sakit. inilagay ko ang langis sa may kama ko nang mapansin kong parang kumukulo ito. naalala ko kaagad ang mg kwento ng mga matatanda na pag ganito ay may aswang sa paligid lang. Hindi din naman siguro maiwasan na meron talaga dahil nasa bayan kami.
Nakalipas na siguro ang kalahating oras ay hindi pa bumabalik si Sally sa kwarto
Hindi ko mawari ang nararamdaman dahil mag isa lang ako dito sa kwarto,
Lumabas ako ng silid , pumunta akung Sala pero napaka tahimik ng paligid dito umupo ako sa bangko na gawa sa kutson, habang sinisipat ko ang mata ko may nahagilap ako Sa sulok
Isang relo na gawa Sa silver pamilyar ito kaya pinulot ko ito at basag ang salamin nito mukang Kay sally ito asan na Kaya ang babaeng yun mas nadagdagan ng ibang emosyon ang aking nararamdaman hindi ko na maipaliwanag, hindi ko alam kong normal lang ba ito.
Naglakad lakad ako Sa loob ng mansyon nila Elaine di ko alam saan na ako patungo, napakalawak at napakadilim.
Napadpad ako sa isang Hallway na ang dulo ay isang silid nag iisa lamang ito dito
Nilakad ko ito dahan dahan habang papalapit ako sa pinto nito ay may narinig akong isang pamilyar na hiyaw ng babae, mahina lamang ito na parang mawawalan na ng lakas. Lumapit pa ako rito at unti unti kung naaninag ang tinig, boses ito ni sally
'T a maa naaa' walang ganang bigkas nito nagtataka ako kung anong ginagawa ni sally sa loob
Natatakot ako, natatakot ako kung anong meron sa loob
Sinipat ko ang pinto hanggang may mahagilap akung isang maliit na butas, nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto
Kung kaya sinilip ko ang maliit na butas na nakakonekta sa kabila
Si sally, si sally nga ang nasa loob, tanaw na tanaw ko itong nakahiga sa parang mataas mesa
Pawisan ang mukha nito na parang pagod na pagod
Laking gulat ko nalang ng may tumalsik sa mukha nito at leeg.
Isang pulang likido, dugo ito
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang pulang likido
Isa, dalawa, tatlo
Tatlong taong nasa paanan ni sally
Isang lalaki at babaeng may kaedaran na at isang batang lalaki
Ng hina ako sa nakita ko, para akung estatwang di makagalaw sa kinatatayuan ko
Si Sally
Si Sally
Diyos ko patawarin niyo po ako sa kasalanang nagawa ko sainyo.
Si Sally
Kinakaing buhay.