Madilim na ang paligid, nagsisiliparang mga ibon at naglalakasang ihip ng hangin oras na ng pinakakakahihintay namin.
Lumapit ako sa kanila habang dahan dahan akong nagpalit ng tunay kong anyo ang dating Elaine na kanilang kilala ay naging luke na ngayon.
Hindi makapag salita at makagalaw ang lahat habang pinagmamasdan ang pagpapalit ng anyo ko.
Tanging Ilaw lamang sa poste at buwan ang nagbigay liwanag sa kapaligiran unti unti ng nilamon ng kadiliman ang kapaligiran.
'E elaineee? A-anong nangyayari sayo! bat ka naging lalaki? palabas mo lang ba ito sa kaarawan mo?' bakas sa mukha nilang lahat ang pagkalito hindi makapaniwala sa nasaksihan nila well di ko kayo masisisi.
'A aswangggg!' Walang lakas na bigkas Ni Merlyn na nakatutok saakin, narinig naman ito ng lahat sanhi ng lalong pagkatakot nila
'Aswang? Baliw ka na merlyn!' Si Alen at unti unti itong lumapit Sa Akin na parang wala Lang ang lahat ' pare galing mo ha natakot mo kaming lahat ah, san mo ba nilagay si Elaine? turuan mo naman kami ng trix mo ah' pa ngisi ngisi nitong papalapit saakin, Hinintay ko itong tuluyang makalapit Sa Akin hudyat ng pagsisimula.
'Alennn! Wag kang lumapit! Maiyak iyak na sigaw Ni Merlyn may hinubad ito ng kung ano Sa leeg at itinapon Sa Akin na Isang rosaryo
Bago paman matapon sakin ang rosaryo Ay huli na ang lahat
Si Alen ang natapunan nito
Mabilis ang pangyayari, Isa Sa mga kasamahan ko Ay nakalapit na
'Ano ba merlyn! Bat bigla kang ngtatapon ng rosaryo! Tatanong Lang ako asan si elai-- Merlyn?' Humarap ang lahat Sa likod kung nasaan si Merlyn
Binunot ng kasamahan ko salikod ni merlyn ang puso nito, Maraming dugo ang tumulo Sa bungaga nito na halos isuka na
Hindi makagalaw ang lahat Sa kintatayuan nila, di alam ang aksyon na gagawin
Walang gustong gumalaw sa takot na isunod kay merlyn
Tulala ang mga ito habang nakatitig sa duguang si merlyn
'I i ilig tas ni yo mga bu-buhay niyo!!!' Huling katagang narinig kay merlyn natumba ito sa Semento at nawalan ng buhay
Hinawakan ng kasamahan ko ang buhok nito kinaladkad at dinala sa loob ang patay na katawan nito
Bumaling ang lahat ng atensyon kung nasaan si alen
Si alen na malapit sa akin
Si alen na susunod na
Humarap si alen sa akin na di makapaniwala sa lahat ng nangyayari
May bitbit akung isang U-shaped na Itak na tinitigan naman ni alen
Umatras ito patalikod sa akin
Nagsitakbuhan at nagsigawan ang lahat ng mga kaklase at kaibigan ko
Bago pa makatakbo si Alen ay nakasabit na ang itak sa mga leeg nito
Tumalsik ang mga dugo nito sa mukha ko
Ang sarap at ang sariwa
Hiyawan ang narinig ko sa buong paligid
Nagsisimula na ang pinakakahintay ko
Ang raming dugo sa palagid, dugo ng mga kaklase ko, dugo ng mga makasalanan HAHAHA
halos di ako makapaliwanag sa nararamdaman ko ,ang saya saya ko parang tumatawa na ang puso ko sa saya, ang sarap pakinggan ng mga hiyawan nila at iyakan
Mukhang mapapadali ang lahat
Walang kahirap hirap silang isa isahin.