Rose. Good morning. Bumugad sa akin ang isang text message galing kay Loey. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ganito pala ang feeling ng may nag go-good morning sa’yo. I was about to type a reply but he texted again. Don’t smile. Bawal kiligin. Natawa ako. Paano ba kasi? Ito ang unang beses na nagka boyfriend ako, siguro ay inosente pa ako pagdating sa mga ganitong bagay kaya OA siguro ang kilig na nararamdaman ko ngayon. I will be busy today. Please take care. I love you. Don’t smile just be cold about it. Napa iling-iling na lang ako. Siguro ay nahihirapan siyang i-express ang nararamdaman niya sa’kin. Magka girlfriend ka ba naman ng bawal sumaya, magalit o malungkot. Napa buntong hininga ako nang malalim. Alam kong napaka selfish nitong desisyon ko. Alam kong one day pwede

