Rose. Kinakabahan ako. Ito ang araw na mami-meet ko ang Tita ng heart donor ko. Kasama ko si Yaya Shirley na lumipad papuntang Australia, doon kasi nakatira si Ms. Jamilla Cortez. Akalain mo nga naman, I spent many years in Australia before, pero sinong mag-aakalang nandoon lang din pala ang pusong nakatakdang ilipat sa akin. Kinakabahan ako na masaya na hindi maintindihan. Bago pa man kami mag board sa plane ay tinawagan ako ni Loey. Ng mahal ko. Chars. "I'm nervous," sabi ko sa kanya. "Don't be, it's okay. Be strong okay?" Pagpapanatag nito sa loob ko. "Isipin mo na lang, after nito magiging maayos na ang lahat. Makakapamuhay na ka ba ng normal." Huminto muna ito at muling nagsalita nang may malambing na malalim na boses. "At malaya ko nang mapaparamdam sa'yo ang pagmamahal ko."

