Anu ba ang dapat na maranasan ng isang bata.anu ba ang dapat na asahan ng matanda sa isang bata.

1208 Words
Oh lulu.. Matulog ka ng maaga mag uumpisa na ang eskwela mo. Ang usapan natin ha. Gagawin mo Yong mga gawain mo. Bago ka pumasok. Kaya gigising ka ng maaga. Para makapag Linis ng bakuran.mapakain ang baboy. At maitali mo sa damuhan ang kambing. Maliligo kakain at papasok kana sa eskwela. Diba gusto mo mag aaral. Naunawaan mo ba!? Opo mama.. Sege na.. Maghugas Na ng paa. Sege ma.. Dong halika na.. Mag aaral na ako bukas. Yeheyyy.. As usual lasing na naman si papa efren at tito zaldy. Anu bang bago. Buti nga di na nya inulit Yong ginawa nya sa akin. Oh baka di ko lang alam. Kasi subrang pagod at sarap ng tulog ko.sana wag na nyang gawin yon. Natatakot kasi ako. Hoy! Xcited ka ate? Ummm.. Oo tsaka kinakabahan. Ate kwento mo sa akin ha. Para pag nag aaral ako. Alam ko na. Sege.. Tuturuan din kita. Halika na. Nag banig na tayo. Tara.. Ikaw mag sabit ng kulambo ate. Di ko kasi abot. Oh Sege.. Turo mo sa akin saan ha. Sege.. Lulu.. Lulu... Gising na. Gawin mo na mga gawain papasok kana ngayon.. Ummmm.. Opo ma. Sege po.. Ba bangon na ako. Oh Sege bumababa kana ha. Sege ma.. Bilisan mo kilos mo. Dapat 7am nakaalis na tayo.. Samahan mo ako ma? Oo ngayon lang ha. Bukas ikaw na. Mamalengke din kasi ako. Salamat ma.. Natatakot po kasi ako. Tsaka kinakabahan po. Oh.. Sege basta ngayon lang ha. Sege ma.. Bilisan muna dyan.. Tapus maligo ka na. Akyat na ako. Magluto ako ng almusal natin at baon mo. Opo ma.. Maliligo na ako. Si bing kaya nag aaral na rin. Si ate grasya tiyak mag aaral yon. Love yon ni lola. Lulu maligo kana.. Opo ma.. Ma, anu pong susuotin ko. Yong damit na tinahi ni lola mo. Pwede na yon. Mag panty ka ha. Wag short lang Opo ma.. Maglagay ka ng polbo. Sa likod.. Mag dahan dahan ka dyan tulog pa sila. Mama.. OK na po ba.. Halika.. Bakit po.. Mama.. Bakit mo ako niya yakap di ako maka hinga mama. Tandaan mo.. Ang pag aaral ay para sa kinabukasan mo. Kaya galingan mo. Lahat ng mama natutuwa pag nag aaral na ang anak nila. Kaya Yong mama mo. Masaya sya ngayon. Talaga mama.. Oo.. Sege kain na. Magbibihis na ako. Alis na tayo. Mag toothbrush kana.. Alis na tayo. Yong baon mo nasa mesa. Pag sinabi ni titser na pwde na kanin ang baon. Tsaka mo lang kakainin ha.. Opo ma.. Ito piso baon mo. Salamat ma. Tara na.. Oh buhatin mo muna yang tsenelas mo. Baka mahulog ka sa putik. Maliit lang ang pilapil.. Pag dating sa kalsada tsaka maghugas ka ng paa tsaka mo isuot yan. Mabigat ba yang nag mo? OK lang po mama. Papel at lapis tubig at baon lang po ang laman. Magpaka bait ka. Wag kang makipag away. Wag kang iiyak don. Opo ma.. Pag uwi mamaya. Alam muna diba? Nakita mo Yong nasa unahan natin. Mamaya sabay ka sa kanila. Opo ma.. Tandaan mo ang bilin ko. Opo mama.. Yan na ang papunta sa school mo. Pumasok kana.. Pa yakap ako.. Kiss ko pa.. Bye ma.. Galingan mo ha. Opo ma. Mahal na mahal ako ni mama dorie.alam ko yon. Natatakot lang ako kay papa efren dahil mag lalasing sya. At sinisigawan nya si mama dorie. Good morning ma'am.. Oh.. Aga mo ahhh.. What is your name!? Lulu lipaopao Castillo po. OK.. Then I called you Castillo ok? OK ma'am. Pick your set.. Sa harap po ako. Para marinig ko po kayo. OK.. Wait for your classmates. Opo ma'am.. Naka ilang buwan na ba ako sa school ko.. Ahhh nasanay na ako. Seguro matagal na.. Kasi ubos na ang papel ko. Hihingi na lang ako sa kaklase ko. Pwede naman. Sila nga humihingi din sa akin. Lulu.. Halika samahan mo ako sa tindhan. Mamaya aira. Ngayon na.. Sabi kasi ng mama ko. Mag dala daw ako ng nyog. Tapus papalitan ko ng papel sa tindhan. Kaya nag dala ako. Halika samahan mo ako. Talaga!? Sege nga tingnan natin kung pwede. Tara na lulu.. Reses naman eh. Haa.. Hahaha.. Nyog ang baon. Nyog ang baon nya. Salbahe sila. Halika Na wag mo silang tingnan. Bakit masama ba yon aira?! Syempre hindi. Binigay to ni mama eh. Wala kasi kaming pera. Pero wag kang maingay sa classmates natin ha. Nahihiya din ako. Oh Sege.. Aling Sonia.. May nyog po ako. Pwede papalitan ng papel.. Ahhh.. Anung grade ka na ba.. Grade 1 po. Sampung papel lang yan. Talaga po.. Sege po.. Totoo nga.. Ang sabi ni mama. Wow.. Ako din gagawin ko din yan. Bakit wala din ba kayong pera lulu. Meron.. Mayaman nga ang mama dorie ko. May tindahan nga kami. Talaga. Oo.. Oh bakit ka magpapalit ng nyog sa papel. Kasi nahihiya ako manghingi eh. Natatakot din ako. Bakit.. Di ka ba love ng mama mo. Syempre love. Pero hindi naman kasi sya ang mama ko. Tsaka nagagalit ang papa efren ko. Pag humihingi kami ng pera. Buti nga binibigyan ako ng piso araw Araw ni mama dorie. Oh buti ka pa may piso.. Oo.. Madami na nga akong piso eh. Mamaya pakita ko sayo. Di ko kasi binibili. Kasi pag uwi ko kina lola pambili ko yon ng tinapay para kay bing at manang grasya. Bihira kasi sila kumain ng tinapay. Tsaka di masarap ang pagkain don. Lage toyu at bagoong. Kina mama dorie lage masarap ang ulam namin.. Talaga.. Mayaman pala kayo. HINDI nga ako. Ang mama dorie ko. Bakit saan ang mama mo. Sabi ni mama dorie nasa langet na. Patay na? Seguro.. Bakit di mo alam. Kasi baby pa ako wala na si mama. Ahhh.. Kawawa ka naman lulu. HINDI ahh. May mama dorie Naman ako. Niyayakap nga nya ako lage. Kahit na. Di mo pa rin yon mama. Oo na.. Alam ko naman yon eh. Oh wag ka magalit. Kasi paulit ulit ka. Di naman ako kawawa eh. Oo na.. Wag ka magalit. Nakakainis si aira. Ayaw ko na sa kanya. Di na sya friend.. Wala man lang akong kasabay sa pag uwi. Pero kaya ko na. Di na ako natatakot. Basta uuwi lang ako agad. Tsaka marami pa akong gagawin sa bahay mag pakain pa uli ako ng baboy. Tsaka mag ligpit ng kambing. Mag silong ba.. Hala.. May itlog sa gilid ng saging.. One two three four.. Wow.. Dami.. Sinu kaya nangitlog dyan.. Baka Yong manok. Alam kaya ni papa efren yan? Mama.andito na po ako.. Abah! Ang aga ahhh.. Opo mama.. Kasi di ko po hinintay si aira. Bakit nag away kayo? HINDI ko sya bati mama. Kasi paulit ulit sya kawawa daw ako kasi wala akong totoong mama. Oh yon lang. Di mo na sya bati. Opo. Kasi sabi ko may mama naman ako. Ikaw at love mo ako diba ma? oo love kita.sabihin mo sa kanya Yon ng paulit ulit.okay lulu? opo mama dorie.at love din kita mama. wag kang makipag away.basta di ka sasaktan wag kang lalaban.naintindihan mo ba lulu? opo ma..bukas babatiin ko na si aira. oh mabuti. mag bihis kana nagugutom kaba? hindi po ma.. oh magbihis kana gawin muna ung mga gawain mo. sege po ma.akyat na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD