3rd Person's Pov Kasabay ng pagtakip ng ulap sa liwanag ng buwan ay sya ding pagsisimula ng karera sa pagitan ng CPO at Shadow Gang. Magkakasabay na humarurot ang kanya-kanya nilang sasakyan. At tulad ng napagplanuhan ng CPO, sinabayan din nila ang kalaban sa pagpapatay ng headlight na ikinagulat ng mga ito ngunit hindi na pinagtuunan ng pansin dahil kailangan nilang magawa ang talagang pakay nila sa karerang ito. Nag-full speed agad ang iba upang makalayo sa mga kalaban habang naiwan naman ang Veneno at Zenvo na nakikipagsabayan sa mga ito. Tahimik lang ang lahat. Pare-parehong naghihintay sa ipag-uutos ng kanya-kanyang instructor. Pilit itinutuon ang atensyon sa daang hindi nila makita dahil sa madilim na paligid. Hindi pa man sila nakakarating sa kalagitnaan ng track ng makarinig s

