Hell 3

2687 Words
Zaire Emerald Xermin’s Pov   "Wala ka na bang nakalimutang ilagay sa maleta mo?" tanong ni Mommy habang chine-check ang mga nakalagay sa maleta ko.   Nandito silang dalawa ni Ate Zea sa kwarto para tulungan ako sa pag-iimpake ng gamit. Ngayong araw na ako pupunta sa school na papasukan ko at ilang oras mula ngayon ay aalis na din ako.   At bago ako umalis, naisipan nilang mag-pool party dahil bihira lang kami pwedeng magkita. Once a month lang kasi pwedeng lumabas ng academy. Parang despidida na rin nila sa akin.   "Okay na ang lahat, Mom." sabi ko. "No need to worry. Kung sakaling may kailanganin ako, may mabibilhan sa loob ng school."   Tumango sya at yumakap sa'kin. "Mami-miss kita, Baby." Akala ko, walang dramang magaganap. Hindi pala sila makakapagpigil.   Yumakap ako sa kanya pabalik. "Mami-miss din kita, Mom. Pero h'wag kang magdrama." Kumalas ako ng yakap at pinunasan ang pisngi nya. "Uuwi ako once a month and open ang communication, so pwede tayong magtawagan."   "Iba pa din yung nandito ka." singit ni Ate Zea na ikinatawa ko. Naiiyak din sya at mukhang sya ang pinakamagdadrama.   Hinila ko sila sa gilid ng kama at naupo. "Nagdrama pa. Huwag na kayong malungkot. Papasok ako ng school at hindi maglalayas."   "Just take care. Kapag may nangyaring hindi maganda o magkaproblema ka, o kaya’y may kailangan ka, tawagan mo agad kami." bilin ni Mommy na ikinakamot ko ng ulo. Hindi talaga mawawala ang pagiging protective   "Kaya ako dun mag-aaral ay para maging malakas at matapang on my own. Kaya hangga’t maaari, ako ang gagawa ng paraan kung magkaproblema o may kailanganin." sabi ko. "I'll definitely survive whatever challenges that may come in my life there."   Bumuntong hininga sila.   "Maninibago lang talaga kami." sabi pa ni Mommy. "Alam mo namang hindi kami sanay na napapalayo sayo ng isang buwan."   "Paano iyan? Mawawalan na ng admirer si Xeric." ani Ate.   Tumango ako. "Mawawalan sya panandalian ng admirer na kasing ganda ko. Pero syempre, makikibalita din ako sa mga kaibigan nya para manatili akong updated sa kanya. Malay natin, mapansin nya ang mala-anghel kong ganda."   Natawa sila. Ayokong umalis ng nagda-drama sila noh.   "Kahanginan mo talaga."   Napalingon kami kay Kuya Zeron an nasa may pintuan.   Lumapit sya at tumayo sa harap ko. "Hoy! Iba ang buhay ng walang kasama sa bahay. Sarili mo ang aasahan mo sa lahat ng bagay. Wala kang knight in shining armor kaya pag-aralan mong protektahan ang sarili mo. Lagi kang tatawag at ia-update kami sa mga nangyayari. At h'wag kang magsisikreto." Mabilis akong tumango. "Pinakaimportante sa lahat, huwag kang lulunok ng pakwan." pahabol nya na ikinasimangot ko. Baliw talaga ang isang ito kahit kailan. "Seryoso ako, Zaire Emerald."   "Kuya naman eh." Ang oa din talaga ng imagination ni Kuya eh. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit walang girlfriend ito.   "Tandaan mo'ng lahat ng bilin sayo at hangga’t maaari, umiwas ka sa lalaki. Karamihan kasi sa lalaki ay nangte-take advantage ng tulad mong fragile and innocent." dagdag pa ni Ate.   "Oo na po. Isang linggo nyo na akong binibilinan at kabisado ko na." sabi ko. "Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko iyan."   Ginulo ni Kuya ang buhok ko. "Hindi maiiwasan ang mag-alala kasi prinsesa ka namin. Isa pa, maninibago din dahil mawawalan ng maingay at mahanging babae dito sa bahay. This is the first time na aalis ka ng matagal dito kaya hayaan mo na kami sa mga binibilin namin."   Inirapan ko sya. "Hindi kahanginan ang pagsabi ng katoto--"   "Oo na, maganda ka na." pagtuloy nila sa dapat na sasabihin ko.   "Pero heto talaga ang pinakadapat mong tandaan." sabi ni Kuya. "Huwag mo munang papalitan si Xeric sa puso mo. Tsaka ka na mag-move on kapag graduate ka na. Sa ngayon, sya muna."   "Syempre." mabilis kong sagot. "Loyal ako kay Xeric my labs."   "Oh sya. Tama na ang dramahan natin." ani Mommy. "Bumaba na tayo dahil siguradong kanina pa sila naghihintay sa atin."   Nauna silang bumaba. Isinara ko pa kasi ang zipper ng maleta ko at nilagay sa labas ng pintuan para madali ng kunin tsaka ako tumakbo pababa.   Mga bestfriends lang namin ang narito. Maliban kasi sa biglaan ang party, sila lang din ang available sa araw na ito.   Dumeretso ako sa pool area kung nasaan ang kaibigan namin na nagbababad na sa tubig. "Hey, guys."   “Hello, Milady!” bati nilang ikinasimangot ko. Kainis talaga sila, lagi akong inaasar. Aalis na nga't lahat, ayaw pa maging mabait.   "Milady your face!" Binato ko sila ng bolang nagkalat dito sa gilid. Ayokong tinatawag akong ganun. Low profile ako, di ba? Tinawanan nila ako habang iniiwasan o sinasalo ang ibinabato ko. Bully sila. Ako kasi ang pinakabata kaya ako ang laging kawawa. "Tss. Mga baliw!" singhal ko at naupo sa gilid. Ayokong mag-swimming pa. Baka ma-hassle pa ako mamaya kung sakali.   "Ingat ka." bilin ng isa sa bestfriend ni Kuya Zeron na si Rhen.   "Yeah. No need to worry. Kayang-kaya ko doon."   "Hindi mo maaalis sa'min iyon." sambit ng isa sa bestfriend ko, si Shen. "Ang balita, maraming multo ang nagpapakita doon."   Natigilan ako nang marinig iyon.   "Yeah." sang-ayon ng isa pang bestfriend ni Kuya Zeron na si Jerico. "Lalo na daw sa mga hallway ng bawat building."   Damn it! s**t! Tama bang manakot pa sila? Alam nilang takot ako sa multo tapos ku-kwetuhan ako. Napalunok ako ng laway dahil sa takot.   "Hala, Z! Kailangan mo talagang mag-ingat." paalala ng isa kong bestfriend na si Frey. "Nag-research na ako ng tungkol sa school na iyon at ang sabi, karamihan ng nagpapakitang multo doon ay mga white lady o di kaya’y mga walang ulo. Kaya huwag kang basta maggagala doon lalo na sa gabi."   And double s**t! Nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig dahil sa sinasabi nila. Hindi ba nila nakikitang natatakot na ako sa mga kwento nila at nagsisimula ng manginig ang katawan ko?   *click* *click* *click*   Natigilan ako nang makita ang pagpipigil nila ng tawa kaya ibinaling ko ang tingin kay Ate na nakatayo sa gilid at hawak ang phone na nakatapat sa'kin.   "Nakuhanan mo ba, Saph?" tanong ni Kuya na nakaahon sa tubig at lumapit kay Ate. Nakiusyoso sya dun sa phone na hawak nito.   "Yeah. I got 3 shots." ani Ate habang pinapakita ang phone. "Iyong pinaka-epic reactions pa nya ang nakunan ko."   At doon lang ang-sink in sa'kin ang lahat. "Mga walang hiya!" Inis akong tumayo at muli silang binato ng natitirang bola. Marami ito kaya tuloy-tuloy lang ang pagbabato ko sa kanila. Kainis naman kasi eh. Mga walang patawad. "Talagang pinagti-tripan nyo ako!"   "Hahaha. Ang epic kasi. Talagang nakakatawa!" At talagang humahagalpak sila ng tawa kahit tinatamaan sila ng binabato ko.   "Waahhh! Nakakainis talaga kayo!"   Nakita kong natigilan sila na ikinakunot ng noo ko. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin na parang nakakita ng multo.     "Kung lolokohin nyo uli akong may multo sa likod, sorry kayo dahil hindi na ako maniniwala. Mga baliw kayo." Inirapan ko sila at tinalikuran. At ganun nalang ang gulat at pagkatulala ko ng makita kung anong meron sa likod ko.   "Hindi ako multo sa paningin mo, right?" nakangiti nyang tanong.   W-waahhh! Si—si Xeric mylabs!   Heto sya sa harap ko. Isang hakbang ang layo at nakangiti sya.   Lord? Last day ko? Bakit natutupad ang lahat ng pangarap ko?   Hindi ako nakagalaw ng bigla nyang ipatong ang kanang kamay sa ulo ko at bahagyang inilapit ang mukha nya sa akin.   "Next time na magkikita tayo, dapat hindi ka na takot sa multo."   Wala sa sariling tumango ako. Hindi pa din ako makapaniwalang ganito sya kalapit sa akin. Gosh! Anong nangyayari sa paligid ko? Bakit parang kaming dalawa nalang ang nandito?   Inilayo nya ang mukha tsaka hinawakan ang kamay ko at nilagay ang isang maliit na box. "It’s just a simple gift for my beautiful admirer." Pinisil nya ang pisngi ko tsaka pumasok na ng bahay.   Halos hindi mag-sink in sa utak ko ang nangyari. Totoo ba yun? Hindi naman  siguro ako nananaginip, di ba? Si Xeric yun?   Nilapitan. Nginitian. Kinausap.Hinawakan. Binigyan ng gift at—   Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang huli nyang sinabi. "Waahhh! Alam nyang admirer nya ako!" sigaw ko. "Lupa! Bumuka ka at lamunin mo ako! Waahhh! Nakakahiya! Wa—" Natigil ako sa pagsigaw ng may humablot ng hawak kong box at nakita ko sa di kalayuan sina Shen at Frey na iniinspeksyon iyon. "Hoy! Huwag nyong buksan! Bigay ni Xeric myla—Kyaa!" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin dahil may humawak sa magkabilang kamay at paa ko tsaka inihagis sa pool.   Huhuhu. Mga walang hiya sila. Ako lagi ang pinagkakaisahan.   Iniangat ko ang sarili sa tubig at nakita kong pinagkakaguluhan nila ang regalo sa akin ni Xeric. "Hey! That's mine!"   "Swerte mo, Z. Ikaw ang stalker, ikaw ang binigyan ng regalo." sabi ni Eina na isa sa bestfriend ni Ate Zea.   "Ano kayang laman nyan?" tanong ni Riza na isa pang bestfriend ni Ate. Talagang sinisipat nilang mabuti yung box.   Umahon ako at tumakbo palapit sa kanila. "Mga baliw." Kinuha ko ang tuwalya at ibinalot ang box para hindi mabasa. "Akin ito kaya h'wag kayong nang-aagaw." Inirapan ko sila at naglakad papasok. Nakita ko ang parents ko na kausap sina Tito Jeric at Tita Xhey. Nandito din si Xeric na nagbabasa.   Napalingon sila sa akin.   "Akala ko, wala kang balak mag-swimming?" tanong ni Mom.   "Iinihagis nila ako sa pool para unahan sa pagbubukas ng regalo sa akin ni Xeric mylabs—" Napatakip ako ng bibig. Waahhh! Bakit ba ang daldal ko? Tumingin ako sa kanila at bakas ang pagkagulat sa mukha nila. "Waahhh! Joke po!" Tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko sa sobrang kahihiyan.   Pati tuloy kay Xeric at parents nya, nailaglag ko ang sarili ko. Huhuhu. Nakakahiya na talaga ako. Bulgar na sa lahat ang pag-ibig ko para sa kanya.   Pagpasok ko ng kwarto, inilapag ko muna sa study table ang box tsaka pumasok ng banyo para maligo.   Mabilisang ligo lang dahil nakaligo na ako kanina. Kung hindi ako hinulog sa pool, hindi ako magtatagal dito sa kwarto. Tsk.   Tinuyo ko ang buong katawan ko tsaka nagbihis.   Pinili kong suotin ang plain white sleeveless, maong short at itim na jacket. Kumportable ako sa ganitong pormahan kaya ayos na ito.   Naupo ako sa gilid ng kama tsaka isinuot ang black rubber shoes at tumayo para lapitan ang box na ibinigay sa akin.   Binuksan ko iyon at bumungad ang silver necklace na may diamond snow flakes design pendant. Isinuot ko ito at tumingin sa salamin. Pinasadahan ko ito ng index finger tsaka ngumiti. Galing kay Xeric kaya iingatan ko ito.   Sinuklay ko ang itim kong buhok tsaka nilagyan ng clip ang side bangs ko. Konting pulbos sa mukha at lip balm, pwede na. Hindi ako mahilig sa make-ups. Masyado iyong makati sa mukha at mas okey yung natural na ganda ang makita nila sa'kin. Haha.   Lumabas na uli ako ng kwarto at bumalik sa pool area. Lunch time na din kasi at dun naka-set up ang mga pagkain namin.   "Woah! Bago sa paningin ko yang necklace mo." puna ni Kuya paglapit ko sa table namin. "At diamond pa pala iyan."   "Iyan ang binigay ni Xeric sayo?" sabi ni Ate Zea kaya bumaling sa'kin ang lahat na ikinailang ko dahil kahit si Xeric ay nakatingin din.   "Yup." sabat ni Shen. "Nakita namin kanina nung inagaw ko iyong box." Kainis. Sya pa tuloy ang unang nakakita nito. Hmp.   "Bagay sayo." sabi ni Xeric na ikinawala ng inis ko kina Shen sa halip ay napalitan ng hiya at pamumula ng mukha ko.   Itinakip ko ang kamay sa mukha ko para hindi nila makita pero lalo iyong naging dahilan para mahiya ako dahil natawa sila sa rekasyon ko. Tsk. Bakit ba tuwang-tuwa sila sa'kin. Huhuhu.   "Totoo palang gusto mo si Xeric." nakangiting sabi ni Tita Xhey.   "Nako, hindi lang gusto. Deads na deads." panlalaglag ni Dad.   "Dad!" saway ko. Badtrip. Bawing-bawi talaga yung pag-alis ko dahil pinababaunan nila ako ng pang-iinis nila. Madaya sila.   "Okey lang yan, Princess." singit ni Mommy. "Mabait si Xeric."   "Isa pa, alam na nya ng ikaw ang stalker—err I mean, admirer nya." At pati si Kuya Zeron, sinimulan na naman akong asarin.   "Nakakainis! Napapahiya ako sa maylabs k—" Napatakip uli ako ng bibig. Waahhh! Bakit ba nawawalan ng preno ang bibig ko?   "Ikaw ang naglalaglag sa sarili mo." naiiling na sabi ni Tito Jeric.   Napakamot ako ng ulo. "Kasi naman." Pasimple akong tumingin kay Xeric na nakangiti kaya medyo nababawasan ang hiya ko.   Habang kumakain, hindi nila tinigilan ang pang-aasar sa akin. Nilaglag ako ng sobra ng pamilya ko kaya alam nila kung gaano ko kagusto si Xeric. Huhuhu. Sana, hindi sya ma-turn off sa'kin.   Hanggang sa dumating na ang oras ng pag-alis ko.   Inilagay ko ang gamit ko sa compartment ng Blue Lamborghini Veneno na syempre, pag-aari ko. Yeah, ang nag-iisang kotse ko.   "Mag-iingat ka dun." naiiyak na sabi ni Mommy.   "Syempre po. Tsaka, Mom, hindi ako mag-aabroad. Dyan lang ako sa kabilang city." sabi ko. "3 hours lang ang byahe at uuwi ako dito every 29 of the month." Niyakap ko na sila isa-isa. "Huwag kang papagutom. Kumain sa tamang oras." bilin ni Ate.   Tumango ako. "Huwag kayong mag-alala. Kakayanin ko doon."   "Mag-ingat sa pagda-drive. Hinay-hinay sa speed at wag gagamit ng phone." sabi ni Daddy. "At yung pinag-usapan natin."   "Yes, Dad." Sumaludo ako sa kanya tsaka bumaling kina Shen pero laking gulat ko nalang na si Xeric na ang nasa harap ko.   Nakangiti sya habang diretsong nakatingin sa akin   "Ayiiiee!" Baliw talaga ang mga ito. Hindi yata titigilan ang pang-aasar sa akin hangga’t hindi ako nakakaalis eh.   "Hey. Be careful,okey? Alam kong nakuha mo na ang contact number ko, so give me some updates about you." aniya. "And if ever that you need my help,   just say my name. Kahit nasaan ka, darating ako." Posible iyon? Hindi naman sya superhero para marinig ang boses ko mula sa malayo noh.   "Just do it, okay?" Tumango nalang ako kahit hindi sigurado kung posible ba talaga iyon. "And gusto kong ipaalam sayong hindi ka updated sa akin."   Eh? "Seryoso?"   Tumangu-tango sya. "And it is important information about me."   "Hala! Ano yun?"   "Secret for now. I'll just use that as bait for you to come in my birthday. So, gusto mong malaman? You know what to do." Kahit walang bait, pupunta pa din ako. Birthday nya kaya iyon.   "Madaya. Pero sige. Darating ako, whatever happen." sabi ko   "Good." Ngumiti sya at halos hindi ko magawag igalaw ang katawan ko ng bigla nya akong yakapin. "I'll miss you." bulong nya tsaka kumalas ng yakap. Akala ko, yun lang ang gagawin nya kaya lalong nagimbal ang buong pagkatao dahil sa huli nyang ginawa. He just— He kissed me!   Pero huwag oa. Sa pisngi lang iyon. Pero syempre, iba pa din ang feeling dahil si Xeric my labs ang may gawa.   "Xeric!" sigaw nilang lahat sa kanya na ikinakamot nya ng ulo.   "I’m not saying sorry. I enjoyed that kiss kahit sa pisngi."   Lalong namula ang pisngi ko sa sinabi nya kaya napahawak ako dito. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari eh. Pero totoo ba talaga lahat ito? Hindi ako nananaginip?   "Aray!" Napahawak ako sa noo ko dahil sa malakas na pitik ni Kuya Zeron na nasa harap ko. Ang bilis nyang makalapit. Hmp.   "Mamaya mo isipin yung ginawa ni Xeric. Magda-drive ka pa." singhal nya sa'kin. "Kapag naaksidente ka, ibo-botsa kita!"   Ngumuso ako. "Botsa? Malay mo mapilayan muna o com—aray!" Hinimas ko ang noo nang pinitik nya uli. "Masakit iyon."   "Sumasagot pa eh." singhal nya uli na ikinairap ko. Ang oa nya mag-isip kaya kino-correct ko lang yung pwedeng mangyari.   "Oo na po. Hindi na nga eh."   "Sige na, umalis ka na. Baka magbago pa ang isip ng mga yan at pigilan ka pa." aniya tsaka ako hinalikan sa noo at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Ingat ka dun at yung mga bilin ko."   Tumango ako at bumaling sa iba. "Bye. Kita kits tayo sa 29."   Pumasok ako ng kotse at isinuot ang seatbelt tsaka huminga ng malalim. Binuhay ko ang makina at pinaandar ito paalis.   "Parating na ako, Hellion Academy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD