Xeric Dominic Mirchovich's Pov (Chess Piece's White King) "Ta-tama na! S-suko na ako!" daing ng babaeng kalaban ni Zaire habang madiin nyang tinatapakan ang sikmura nito. "Alam mong hindi ko makukuha ang bracelet mo hangga't hindi ka namamatay." Nagsisimula na akong kilabutan sa ikinikilos ni Zaire ngayon. Talagang ibang-iba sya sa nakilala ko noon. Ito na ba ang resulta ng pananatili nya dito? Nawala na ba ang anghel na Zaire na nakilala't naging malapit sa amin? Dito na ba magbabago ang samahan namin? Fuck! Inaasahan ko na ang bagay na ito pero bakit hindi magawang matanggap ng sistema ko ang nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko, kasalanan ko pa kung bakit sya nagkaganito. Kung hindi ko sana sya hinayaang makapasok dito, hindi sya magiging tulad namin. "W-wag mo akong papatayin." Nags

