Tahimik lang akong kumakain at pinapakinggan sila na masayang nag-uusap.
"May boyfriend ka na?"
"Manliligaw pa lang pero di ko naman sasagutin Dad, " sagot ni Steph kay Papa.
"How's your grade?"
"Pasado naman thanks to Amara of course."
Napatingin si Papa sa akin at si Tita dahil sa sagot ni Steph.
"How's your rank?" Tanong ni Papa. "Naangatan mo na ba ang batang Montemayor?"
Napayuko ako sabay iling.
"What?"
"Sorry po," mahinang bulong ko.
Mula ng 3rd year high school lumipat ang Ogag na 'yun sa university ng pamilya niya, mula din nun naagaw na sa akin ang #1 spot sa academic.
"Akala ko ba matalino ka? Bakit di-"
"Mommy," pagtawag ni Steph. "Anong masama sa pagiging rank 2. Matalino naman talaga si Amara ako nga walang rank eh."
"Di kita kinakausap Stephanie."
"Eh kasi naman bakit ba big deal sa inyo-"
Natigil sa pagsasalita si Stephanie ng tumayo si Papa.
"Sumunod ka sa office ko," saad nito bago umalis.
Ito na naman.
"Samahan kita," sabi nito na nauna ng tumayo.
"Hindi na, ako na."
Sanay naman na ako. Hindi na bago ito sa akin, pinipilit ni Papa na kailangan kung maunahan si Montemayor pero anong magagawa ko, di kaya. Galing talaga ni Ogag, halos di na ako matulog kakaaral tapos siya nakikita ko basag ulo tapos basketball ang ginagawa pero laging perfect score sa test.
"Pa-"
"Anong nangyayari sayo Amara? Dati naman lagi kang nangunguna. Nagpapabaya ka ba sa pag-aaral mo?"
"Hindi po sadyang he is better than me," mahinang sagot ko.
"Then be the best. Papatalo ka duon? Akala ko ba ipapakita mo sa Mama mo na on top ka lagi? Bakit ngayon parang sumusuko ka na? Sa tingin mo ba proud ang mama mo habang pinapanuod ka mula sa taas na nagiging failure?"
Yes... Yan nag gusto kong isagot. Alam kong proud si Mama sa akin dahil kinakaya ko kahit nasa mahirap akong sitwasyon.
"Sis, okay ka lang?"
"Oo naman," sagot ko at dumeretcho na sa room ko.
Paano ko ba siya matatalo?
Half way na ng school year at talagang busy na kami.
"Good morning, Who will be your representative in the MS Senior High 2025?" tanong ni Ma'am.
Ako tahimik lang, di ko kasi katabi si Steph. Pinaglayo kami ni Mr.Castro at sinabi niya na official sit na namin kung saan niya kami ilagay hanggang matapos ang school year.
"Who's the muse-"
"Maem talo na pag siya ang ilalaban namin, paano na lang sa Q and A?" Side comment ni Jose.
"Wow ah," sagot ni Muse.
"Totoo naman," itong baklang ito ang init init ng dugo sa muse. Baka sila pa ang magkatuluyan. "Maem ano po ba ang criteria?"
"Common criteria include poise, stage presence, overall impact, and specific criteria related to individual events like best in sports attire or best in long gown. Malaki rin ang points sa Q and A syempre. At kung sino man ang sasali sa inyo magbibigay ng plus grade."
"Ma'am may swimsuit po ba?" Tanong ng lalaki sa likod.
"Yes."
Eww, dami na namang manyak ang mabubuhayan ng kabastusan.
"So sino ang representative niyo?" Tanong ni Ma'am. "Yes, Stephanie."
Napatingin ako kay Steph na nakangiti sa akin kaya napaayos ako ng upo. Baliw ang isang 'yan, may binabalak na naman.
" Ma'am kung gusto nating manalo dapat yung representative natin maganda na matalino pa di ba?" Tanong nito.
"Of course," sagot ni Ma'am.
Tinuro ako ni Steph kaya nagtinginan sa akin ang lahat.
"Oo nga ma'am si Amara na lang sure win na."
"Sabi ko na nga parang may kulang siya pala. Tahimik kasi, siya na lang ma'am."
"Maganda na matalino pa, di tayo mapapahiya niyan ma'am."
"Support kaming lahat."
"So makikita ko ng nakaswimsuit si Amara?"
Sa nagsabi nun natigil ang lahat. Siya si Ian ang matagal ng may crush daw sa akin, di ko naman pinapasin dahil di ko type.
"Bastos ka naman, tang *na mo!" Malakas na saad ni Stephanie.
" Tinatanong lang eh."
"Children, stop. Mr. Lopez you can't watch the pageant if ever dahil di pa tapos ang punishment mo di ba?"
Oh di ba? Di na nga matalino, pasaway pa tapos manyak pa.
"You can't join."
Tumingin ako Kay damon na nasa tabi ko.
"Ano?!"
"You can't participate, we're preparing a quiz bee competition. You need to focus on that," saad nito.
Bulong lang 'yun kaya kami lang ang nakakarinig.
"Duh wala naman akong balak sumama," sagot ko.
"Okay, so miss Amara Garcia is our representative." Napatingin ako kay Ma'am sa sinabi niya.
"Ma'am-"
"She can't join," si Damon na ang sumagot kaya napatingin kami sa kanya.
" Why not?" Tanong ni Ma'am.
Sino ba naman ang sasagot pa kung si Ogag na ang nagsalita. Si Ma'am lang.
"Quiz bee competition," bored na saad nito na nagets naman ni Ma'am.
"I think kaya naman niyang pagsabayin," sabi ni Ma'am at tumingin sa akin. "Kaya mo di ba?"
"I said she can't!" Ano bang problema ng Ogag na ito. Ako kaya ang tinatanong.
"Hindi Ikaw ang magdedesisyon niya Mr.Montemayor."
Tumingin sa akin si Ogag.
"Tsk, know your priorities. You're already having a hard time to beat me, so focus."
" Paki alam mo ba?" Inis na sabi ko.
" Then don't cry when I beat you again, stay being on rank two stupid." Nakangising saad nito.
Minamaliit niya ako!
"Sasama ako, ma'am."
Nagcheer sila sa akin, habang ako naman ay masamang nakatingin kay Ogag.
Labasan na ng mauna na itong lumabas. Kainis siya. Wala naman akong balak sumali dahil sa paghahanda ko pa lang sa quiz bee hirap na hirap na ako pero pinush niya kasi ako, minamaliit niya ako.
Alam ko naman na mananalo ang school namin sa quiz bee dahil kasama namin ang Ogag na yun sa team na makikipagcompete sa ibang school.
Tulad ng inaasahan ko, naging mahirap ang lahat. Halos wala na akong pahinga.
After ng practice sa pageant deretcho ako sa library kasama ang team namin at si Sir Lauro na siyang coach namin.
Sakit ng legs ko. Ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Ogag.
"Oh problema mo?"
"Don't talk to me, I hate stupid people." Saad nito.
"Aba-" natigil ako ng humarap sa akin si Sir Lauro.
Bwesit talaga siya.
2 weeks had passed at parang pagod na pagod ang katawan ko. Sa practice lang naman ako pagod dahil puro lakad with heels. Sa mga isusuot ko si Steph na ang bahala. Next week na Ang quiz bee pero ang pageant ngayon na.
Kabang kaba ako sa back stage, ang gaganda ng mga kasama.
"Relax, mananalo ka." Sabi ni Steph na siya nag nagmamake up sa akin.
"Madami bang tao?" Tanong ko.
"Of course, attendance is a must nga."
Oo nga, ibig sabihin nandyan si Ogag. Kailangan kong ipakita sa kanya na mananalo ako.
My introduction went smoothly, many people cheered on me, especially my classmates. Nakita ko rin si Ogag kaya medyo nakaramdam ako ng kaba.
Sa sports attire, short skirt na pang golf ang suot ko all white. Sa swimsuit naman one piece at conservative naman di masyadong revealing. Kahit nahihiya ako mas nanaig sa akin na galingan para wag mapahiya. Sa long gown nakasuot ako ng red fitted gown na shinning shimmering.
Nakapasok ako sa top 5 at Q and A na.
"Let's call the last contestant Ms. Amara Garcia."
Ang lakas ng hiyawan kaya mas tumaas ang kompyansa ko. Madaming papuri akong naririnig.
"The crowd is wild. It seems that you're the audience's favorite. Anong pakiramdam mo?"
" Kinakabahan po," sagot ko.
"Don't be nervous, you can do this."
Bumunot ako ng magtatanong sa akin at si Dean yun. Pinakatitigan niya ako bago ngumiti.
" Miss Garcia my question is... What does being a modern woman mean to you?"
" Thank you sir for that wonderful question. To be a modern woman means embracing personal agency, actively participating in shaping society, and defining one's own path without being constrained by traditional gender roles. It's about having a voice, making informed decisions, and challenging societal norms that limit women's opportunities and aspirations."
And the crowd went wild.