30. Alarm TAHIMIK ANG naging paglalakad ni Alluka at Sage. Nauuna ito kaya nagagawa niyang pagmasdan nang palihim ang dalaga. Hanggang ngayon iniisip pa rin ng binata ang nangyari sa talon habang binabaybay nila ang kagubatan patungo sa kanilang bahay. Parehas silang basa ng dalaga kaya naman lumilikha ng bakas ng tubig ang daang tinatahak nila. “Kinulam mo ba ako?” wala sariling tanong niya. Napahawak pa ang binata sa dibdib. Malakas pa rin ang pagdagundong niyon. Hindi pa rin kumakalma. “Kailangan ko na talaga ng albularyo.” Muli niyang pinagmasdan ang dalaga. Para itong sigang naglalakad sa daan. Pati pagkilos nito ay tila handang manghamon ng suntukan. Naalala niya na naman ang nangyari sa talon. Hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa iyon ni Alluka. Sinampal-sampal ni Sage ang k

