47.2. Barbarian NASA PUNTO ng pag-iisip si Sage kung ano'ng dapat niyang gawin nang mga sandaling iyon. Alam niya ang pinanggagalitan ng galit ni Koddie. Kung siya nga na nakakita sa nangyari ay nawala sa sarili, ano pa kaya ang kapatid nito? Ngunit mas nanaig kay Sage na gawin ang tama. Sapagkat alam niya sa sariling pagsisisihan nito ang lahat kapag lumamig na ang ulo at nakapag-isip na ng maayos. Hindi si Koddie katulad niya, ni Blaze, o ni Gable. Isa ito sa mga taong prinsipyo at paniniwala sa halaga ng buhay. Ayaw niyang mawala iyon sa kaibigan. Tinitigan ni Sage ang kalabang nasa harapan. Bakas dito ang paghihirap kahit hindi nakikita ang kalahating mukha ng kalaban. Natatakpan kase ang bibig nito ng panyo upang hindi makagawa ng ingay. Lumapit si Sage sa kaibigan. Dahan-dahan

