35. Goldee NAPANSIN NI SAGE ang matagal na pagkakatitig sa kanya ni Alluka. Nakatingin pa rin ito sa sugat niyang nakabuka. Hindi na dumudugo iyon nang malala kung ikukumpara kanina nang tumama sa matulis na metal habang nakikipaglaban sila. Kanina pa nag-aalala ang dalaga, alam niya. Ngunit pinipigilan nitong magtanong at lumapit sa kanya nang naroon ang kapatid niya. "Mahirap ang labanan kanina pero mas mahirap ang maging gwapo at magandang lalaki ko. Ano, nainlab ka na sa akin?" Natatawang tanong ni Sage. "Sabihin mo lang kase, mabilis naman akong kausap. Pwede naman kitang sagutin kaagad para hindi lang pagtitig ang pwede mong gawin sa akin." "The wind is coming. Here we go again," saad ng dalaga. Binigyan na naman siya nito ng pamatay na pag-irap. "Alam mo ba, bata pa lang ako, m

