Intro

210 Words
Masyadong maramot ang kalayaan para sa isang katulad niya. Hindi iyon ibibigay ng kahit sino nang hindi niya pinaghihirapan. Pero masyadong mataas ang pangarap ni Alluka. Hindi siya maaaring bumitaw nang basta-basta. Hinihintay siya sa labas ng bilangguan ng kanyang ina, hahanapin niya rin ang kapatid na nawawala. Kaya, kahit nagtatayugang pader ay babanggain niya. Hindi siya papaawat para sa mga bagay na inaasam-asam niya. Dahil numero unong kalaban ni Alluka ang tadhana, maaga ng natapos ang pangarap niya. Pinatay ang ina niya sa mismong harapan niya. Kung kailan nawawalan na siya ng pag-asa, saka naman dumating si Sage sa buhay niya. Sabay nilang hinarap ang mga pagsubok na dumarating kasama ng kanilang mga kaibigan. Akala niya’y magiging madali na ang lahat ngunit muli niyang naranasan ang mas matinding unos. Nawala ang binata dahil sa pagprotekta sa kanya. Nalalabi na rin ang oras na mayroon sila. Kung hindi siya gagawa ng paraan, maraming inosenteng buhay ang madadamay. Ang sabi ng binata ay magtiwala siya, ngunit hanggang kailan? Maliit na lamang ang tyansang mananalo sila. Kaya, may panghahawakan pa ba siya para magtiwala? Habang tumatakbo ang oras, maraming buhay ang nagwawakas. Hindi siya anghel, hindi rin siya demonyo ngunit kung hihiling ang katulad niyang makasalanang tao, pakikinggan ba ang kanyang pagsusumamo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD