Her POV Nakiusap ako kay raffy na wag muna ipagsabi ang tungkol sa pagbubuntis ko. Lalo na kay Lenard. Baka kasi hindi makatulong na sabihin ito ngayon. Ayokong dagdagan ang mga alalahanin niya. Gusto ko na maayos muna ang problema niya duon bago ko sabihin ang tungkol sa baby. Pero sabi nga ni raffy, hindi mabuting patagalin ko ito dahil baka maging dahilan pa ito ng di pagkakaunawaan. Naiintindihan ko na naguguluhan ka pa. Pero karapatan ni Alpha na malaman ang kalagayan mo dahil kahit ako ang nasa posisyon niya, gusto ko na kasama ko ang mate ko sa pagbubuntis niya. Luna, wag mo sanang alisin ang karapatang ito sa kanya. Medyo tinamaan ako sa sinabi ni raffy. Kaya naisip ko na sasabihin ko ito once na bumalik na siya dito sa pack. Lenard....bumalik ka na!!!! ----------------------

