Her POV Lenard....... Sa isip ko, paulit ulit kong tinatawag ang pangalan niya. Nakakaramdam na ako ng takot. Naramdaman ko ang mukha niya na dumako sa bandang leeg ko at inamoy amoy pa ito. "You smell like him..."tapos nangunot ang ilong nito na parang bahong baho sa amoy ko. Natawa ito ng makita akong nanginginig sa takot. Kahit anung gawin kong pagpipigil, talagang lumabas pa rin sa katawan ko ang nararamdaman ko. "I don't like you, you're weak. Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw sayo ang pinsan ko." Nakangising sabi nito. "Ito ang pinakawalang kwentang desisyon na ginawa niya. Dinala niya ang magiging dahilan ng pagbagsak niya sa buhay niya. Ngayon tuloy hindi na lang niya iniisip ang pack niya kundi pati ang mahina niyang mate", sabi pa nito. Napapikit ako at pinipigil an

