Her POV Napalunok ako sa emosyong nakabadya sa kanyang mukha.. Punong puno ito ng matinding galit.. Iba ang mata niya, katulad ng mata ng gabi ng fullmoon. Kaya sigurado akong hindi ito si lenard.. Blue.... Pumikit siya ng mariin. Maririnig ang matinding hingal sa kanya. Na akala mo tumakbo siya ng matagal. Sa pagmulat ng kanyang mata, muling bumalik ang kulay asul niyang mga mata. Alam kong si lenard na ito. Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag ng makita kong bumalik na si lenard. Hindi ako natatakot kay Blue dahil alam kong hindi niya ako sasaktan. Pero nakita kong ang matinding galit ng nasa kanyang mata. At sapat na yun para maintindihan ko ang kapasidad niya bilang isang lobo. Walang kinatatakutan at handang pumatay. Tumayo si lenard at tumitig sa akin. Kita parin ang g

