CHAP 13. ENGAGEMENT NIGHT

1734 Words
MATAPOS tanggapin ni Baba ang matalik niyang kaibigan, tinakda ang petsa ng kasal nila.  After three weeks, her engagement party came.  Sa tahanan ng pamilya ni Dylan gaganapin ang nakatakdang pagtitipon. Hindi pa halata na nagdadalang-tao siya dahil maliit pa ang sinapupunan niya sa ngayon, idagdag pa na maluwag ang suot niya.  It was a garden themed engagement. She was looking outside the window. Pinagmamasdan ang mga bisita na nagkakasayahan sa ibabang bahagi lang ng kwarto.  No one knew that she was pregnant aside from Cally and Dylan.  Sa totoo lang ay hindi siya kampante na magpakasal kay Dylan. Nananatili kasi na kapatid na lalaki ang tingin niya dito.  "A penny for your thoughts?"  Nilingon niya ito na bagong pasok sa isang guest room kung saan siya naroon.  "Babe, what are you thinking?" nakangiti na tanong nito habang papalapit.  "Dylan, don't you think this is wrong?" tanong niya.  Halata na pinipilit nito na magpakalma.  Sa loob ng tatlong linggo, alam ni Dylan na napilitan lang si Baba sa nais nito. Pinipilit lang ng lalaki na maging normal tuwing tatanungin ito ng ganito ni Baba.  "This is not wrong. Marrying you is not wrong."  Lumapit ito sa kanya para yapusin siya ngunit mabilis na nakaiwas si Baba. Hindi pa siya sanay sa mga ganoong akto ni Dylan na para bang magkasintahan sila sa tunay na lagay nila.  Ganoon yata talaga kapag nag-iba na ang estado ninyong magkaibigan at tanging kapatid lamang ang nararamdaman mo para sa kanya, nagkakaroon ng pader sa paligid mo dahil iba na ang trato niya sa iyo.  "I'm going outside para harapin ang bisita," sabi niya dito.  Naikuyom ni Dylan ang kamao nito dahil sa malamig na pakikitungo dito ng dalaga.  Baba went outside the room. Hindi na niya napansin na matapos niyang lumabas, pumasok ang isang bulto sa kwarto kung saan siya galing.  Tinungo ng dalaga ang wine bar at nanghingi ng maiinom. Mabilis na binigyan siya ng bartender ng champagne.  Halik na niya ang labi ng kopita nang maalala niya na nagdadalang-tao nga pala siya. Ibinaba niya muli iyon.  Nabigla siya nang tabihan siya ni Cally at agawin nito ang kopita na nasa tapat niya.  "Water for the bride please," hiling ni Cally sa lalaki na nasa bar. Tumango ito at mabilis na binigyan ng maligamgam na tubig si Baba.  "Thank you!"  "You have to take care of yourself. Are you sure about this, Ate Baba?" Bulong na tanong nito.  She looked up at Cally, meeting his lonely eyes. Sa palagay ni Baba ay parehas sila ng lagay ng Shi ng Dark Lords.  "To be honest, I don't know. But one thing is for sure, I want to keep the child because it was my own flesh and blood," Nakayuko na sagot ni Baba.  "I'm 28 and ready to be a mother."  "...But you are not ready to be a wife, is that it?" Hindi sumagot ang dalaga bilang pagsang-ayon kay Cally.  "Kuya Dylan loves you but you love him as a brother?" puna lang ni Cally Nabigla na lang sila nang may maghiyawan mula sa ikalawang palapag. Inangat nila ang mga paningin at nakita si Dylan na sakal-sakal ang ex girlfriend nito.  Nakalabas na ang ulo ng babae sa bintana kaya napasinghap ang mga bisita kabilang si Baba.  Nagkatinginan sila ni Cally at mabilis na pumasok sa loob ng malaking bahay ng pamilya ni Dylan.  Sumunod si Lorenz sa kanilang dalawa.  Natagpuan nila ang mommy ni Dylan na kumakatok sa pintuan ng guest room. Umiiyak na ito.  "Dylan, open the door!"  Sumenyas si Cally.  Pina atras nila ang ginang.  Mabilis na kumilos si Shogun at sinipa ng malakas ang makapal na kahoy ng pintuan ng kwarto.  Bumungad sa kanila si Dylan na nanghihina sa isang sulok tapos panay naman ang ubo ng ex nito at hagap ng hangin sa bintana.  Nilapitan niya ang lalaki. "Are you okay, Dylan?"  "Babe, help me. It's blurry… and hot inside my body." nahihirapan na sabi.  "She... she drugged me…"  Natigilan si Baba at nilingon niya ang babae. Tumawa lang ng tumawa ang ex-girlfriend nito.  "Tsk tsk tsk! Dylan, we did it for so many times, walang mawawala sa iyo kung may magaganap sa atin ulit, but you refused me for a couple of months. For what? For that b***h!"  Nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kanya.  "Come on Dylan, I love you so much." Sa palagay nila ay nababaliw na ang babae.  "It's a Love Drug because I love you so much, you can't escape from my love. We will be together soon…" sabi nito na nakatingin sa kawalan.  "Call Christen!" utos ni Cally kay Lorenz.  "Pero Shi, nasa abroad pa sila."  "Just… try!"  Umiiyak naman ang Mommy ni Dylan.  "Pen, what is happening to my son?" hawak nito ang mga kamay at para bang nagdadasal.  Hinarap ng ginang ang babae.  "You ingrate! How dare you do this to Dylan?!" sinampal nito ang ex-girlfriend habang umiiyak.  "It's you! Ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi niya ako mahal! Mas gusto mo si Penelope kaysa sa akin!" tapos ay tumawa muli.  "Let's bring Dylan to a different room," suhestyon ni Cally dahil nakakasira sa mood niya para mag-isip ang nababaliw na ex ni Dylan.  Inakay nito ang lalaki para mailipat sa ibang kwarto.  "Babe, it hurts so much… Help me..." hawak ni Dylan ang braso niya. Nagkikiskis ang mga ngipin nito dahil sa sakit.  Walang nagawa sa Baba kung hindi ang maiyak dahil naranasan niya ang parehas na nararanasan ng kaibigan niya ngayon.  Para bang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga naganap sa kanya halos tatlong buwan na ang nakaraan.  Her friend is asking her help. At isa lang ang tanging gamot sa Love Drug. Alam na alam niya ang pinagdadaanan nito kaya panay agos ng luha niya.  ..... HINDI matigil ang pag-agos ng luha ni Baba habang nakatingin sa kaibigan na nahihirapan.  Cally holds her hand.  Inutusan nito na tanggalin ang pang-itaas na damit ni Dylan at ilublob ito sa bathtub na nasa loob ng kwarto nito.  "Kuya Dylan, just calm down for the meantime. We will do our best," sabi ni Cally dito.  Lumapit si Shogun kay Cally at bumulong, "Shi, hindi pa namin ma-contact si Christen. Sa tingin ko, nasa ere pa silang dalawa ni Doc Mikko."  Napapikit na lang si Cally at nilingon ang pintuan ng palikuran kung saan naroon si Dylan.  Ang totoo niyan, hindi niya alam kung may gamot sa Love Drug but he believes in Christen's ability.  "Cally, what am I going to do?" naiiyak na tanong ni Baba.  "Let's wait for more time." Isa ang panahon na ito na hindi alam ni Cally ang gagawin.  Pinaalam na sa mga bisita na kanselado ang event sa gabi na iyon. Nasaksihan naman ng lahat ang nangyari kaya wala nang tanong ang mga malalapit na kaibigan nang pauwiin ang mga ito. Nakita rin ng mga ito na sinundo na lang ang ex-girlfriend ni Dylan ng isang patrol car dahil sa ginawa nito.  Sa unang dalawang oras ay nanghihingi pa ang kaibigan niya ng tulong kay Baba pero sa mga sumunod ay naging tahimik na ito. She cried hard holding Cally saying how sorry she was.  Paulit-ulit lang na sinabihan siya ni Cally na they will wait for more time.  Matapos muli ang isang oras, hiniling niya na iwan sila ni Dylan sa kwarto.  Nag-aatubili man, sumunod pa rin si Cally para magkaroon ng pribadong oras ang magkaibigan. Cally also knew na wala naman gagawin si Baba sa loob ng kwarto. Pero hindi maiwasan na mapatanong siya kung papayag si Baba sa gusto ng kaibigan nito.  Nilapitan niya si Dylan na nakalublob sa tubig ng tub at hinawakan ang kamay nito.  "Dylan… You know that I can't help you in terms of, you know… I'm pregnant right now. Let… Let me find someone instead." Ngumiti ito ng mapait, "I don't want someone."  Bakas pa rin ang hirap kay Dylan pero mas pinipili na nito ang kalmahin ang sarili kahit pa nga hindi na rin ito makapag-isip ng maayos. Iniinda na lang nito ang init at sakit na nagmumula sa loob ng katawan nito.  "Penelope…" Hindi na nabigla si Baba nang tawagin siya nito sa pangalan niya at hindi sa nakasanayan nito na 'Babe'.  Nakatingin ito sa kanya na namumungay ang mata.  "Do you know that I love you for more than a decade? But unexpectedly, you fell in love with another man; and unfortunately, you only treated me as your brother..."  "I am always watching your performance on stage. Wherever you go, I go… but you are always looking in a different direction as if you are finding that person in a thousand audiences. Looking for your 'Smiley' who is sending you flowers… Deep inside your heart, you can feel his presence kahit pa nga hindi siya magpakita sa iyo."  He sobbed.  "Penelope, gusto ko itanong sa iyo noon pa… Why are you so cruel? Nasa malapit lang ako pero mas pinipili mo na tumingin sa malayo," he continued crying.  "Tuwing makakatanggap ka ng bulaklak, sa isang sender ka lang interesado, wala ka nang pakialam pa sa iba pa... I want you to know na hindi lang si Smiley ang nagpapadala sa yo ng bulaklak… Ako rin, Penelope… ako rin… But I always saw my flowers in a trash bin." Kinagat nito ang kamay para pigilan ang umiyak.  Lalong naiyak si Baba. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ito.  "Gusto kitang alagaan but you kept on refusing. Tell me honestly, hanggang sa ngayon umaasa ka pa rin, tama? siya pa rin ang gusto mo."  Humigpit ang hawak ni Penelope sa kamay ni Dylan. Wala kasi siyang masabi dito.  "Gusto kong batukan ang sarili ko noon. Kung nauna lang sana ako na magsabi at magtapat baka hindi siya nag-e-exist sa puso mo... Baka kung nauna ako, baka iba ang istorya natin ngayon."  "Gusto kong sabihin sa 'yo noon pa man na… sana ako na lang Penelope, sana ako na lang," he sobbed.  Matapos ang ilang saglit.  "Your Baby. I wanted to know bago man lang ako bawian ng buhay. Sino.. Sino ang tatay ng anak mo?"  Hindi niya sinagot ang tanong nito, sa halip she persuaded him to believe na may darating na tulong.  "Dylan, hindi ka mawawala. We… We will help you"  "Are you going to help me? Will you love me?" seryoso na tanong nito.  Hindi makasagot si Baba.  "I knew it…" ngumiti ito ng mapait.  Pinalabas na siya nito para kumalma siya dahil sa sobrang pag-iyak.  Cally holds her at nakita nito ang anyo niya na halos hindi makahinga at basa ng luha ang pisngi niya. Nag-alala si Cally kaya niyakap lang siya at inakay sa katabing kwarto, ngunit nabigla na lang ito nang mawalan siya ng malay habang nasa hallway.  Mabilis na tumawag ng tulong si Cally.  Nang magising si Baba, naroon na siya sa isang kwarto ng ospital. Mga mata ng magulang niya ang bumungad sa kanya.  Nabalitaan niya na lang na... kinuha na ng panginoon si Dylan.  She continued crying. Saying how sorry she was. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD