SAMANTALA, sa kwarto ni Prince Hanz. Isang tawag ang gumambala sa kanya.
"You are smart Prince Hanz. Unfortunately, your dear little fairy still ends up in my hands. Ha ha ha!"
Natigilan si Prince Hanz.
"She was playing with my two boys. Tsk tsk. She can't escape death kung hindi siya makikipaglaro."
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "What do you mean by that? Three of my bodyguards are guarding my girlfriend."
"Tsk tsk! You'll know what I mean."
Matapos iyon ay nawala na sa linya si Captain H. Nakuyom na lang ng prinsipe ang mga kamao niya.
Hindi kaya nakatunog ang lalaki nang magkita sila ng dalaga sa lobby ng hotel na iyon? Kapag may nangyari sa dalaga, sisiguraduhin niya na mawawala sa mundo ang bansa nito.
He will not care about the consequences anymore.
Mabilis na kumilos si Prince Hanz. Sakto naman na nakabalik si Arthur sa suite niya.
"Lock the whole hotel and find Penelope!" utos niya.
"Prince, I-I saw her. She... She told me, she doesn't want to see you ever again," nakayuko na sabi ni Arthur. Halos ayaw niyang ipaalam dito ang tungkol sa bagay na iyon.
Natigilan si Prince Hanz. Maybe Penelope was really hurt. A sudden pain hit him. Gaano kagalit sa kanya ang babae dahil sa mga ginawa niya?
"Find her room as soon as possible! Walang lalabas o papasok sa hotel building na ito!"
Mabilis na kumilos si Arthur. Lumipas lang ang five minutes at nakuha na nila sa hotel ang numero ng kwarto ni Penelope.
Walang nagtangka na suwayin ang utos ni Prince Hanz sa mga hotel staff.
Matapos makuha ng prinsipe ang numero ng kwarto ni Penelope, siya na mismo ang nagpunta sa suite number nito.
"Pero prince, nakita ko na sa ibang palapag siya tumungo, not on this floor," nagtataka si Arthur.
"Then, go to that floor!" singhal niya na halos mapaatras ang assistant niya. Sumunod na lang ito na bumaba sa palapag kung saan din nito nakita na bumaba si Penelope.
Wala na sa tamang katinuan ang prinsipe at hindi alam ang gagawin.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo ni Prince Hanz ang suite number kung saan naka-book si Penelope. Tatlong bodyguard ang sumusunod kay Prince Hanz para protektahan siya.
Kinatok niya ang pintuan.
Sa loob ng kwarto ay naroon si Mrs. Morneau. Kinuha niya ang key card ni Baba para makipagpalit ng kwarto kaya siya ang nadatnan ni Prince Hanz doon.
Kinakabahan siya nang masilip sa peephole ang prinsipe at mga lalaki kasama nito sa labas.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.
Naging daan naman iyon, para sipain ni Prince Hanz ang pintuan at mabibilis ang mga hakbang na sinuri ang buong kwarto para hanapin si Penelope.
"Who-who are you?" tanong ni Mrs. Morneau.
"Where is Penelope?" matalim ang tingin na ipinukol ng Prinsipe sa Manager ni Baba.
"She.. she's not here." Halos hindi ito makatingin
"Where is she?"
"I.. don't know," kinakabahan na sagot nito.
Alam ni Prince Hanz na nagsisinungaling ang manager. Nilapitan niya ito. He grabbed her neck.
Natakot si Mrs. Morneau. "Please, please let me go, you can't kill me."
"You will know the consequences for not telling me the truth. If something happened to Penelope, hindi makakaligtas sa akin ang lahat ng pamilya mo." Nanlilisik ang mga mata ng prinsipe at anumang oras ay mauubusan na ng hangin ang ginang.
Halos mahilo na ang babae dahil sa higpit ng pagkakasakal dito.
"Prince, we will handle this. Calm down," suhesyon sa kanya ng isa sa mga bodyguard. Kapag namatay ang babae sa kamay ng prinsipe, mas maliit ang tyansa na mahabol nila si Penelope.
Natigilan naman ang manager dahil sa narinig. Binitawan ni Prince Hanz ang babae at galit na tumalikod para pakalmahin ang sarili.
"Madam, I advise you to let us know where Penelope is. He is Prince Hanz of Westrogothia and the whole building has been locked down. Hindi ka makakatakas kapag napatunayan na may kinalaman ka dito."
Natakot si Mrs. Morneau. Nagsimulang mahulog ang luha nito.
"She's in my room," sinabi nito ang numero. Takot na takot si Mrs. Morneau at hindi nito akalain na sa likod ni Penelope ay may prinsipe na handa itong iligtas.
"Don't let her escape," tukoy ng prinsipe sa manager.
Wala nagawa si Mrs. Morneau kung hindi ang umiyak. Alam niya na wala siyang lusot sa nagawa.
.....
MABILIS na lumabas ng kwarto si Prince Hanz para puntahan ang suite number na sinabi ni Mrs. Morneau.
Nagbigay na rin ng mensahe ang mga bodyguard na kasama niya sa grupo ni Arthur na nauna sa palapag kung saan naroon ang orihinal na kwarto ng ginang.
Sinilip ni Prince Hanz ang mga numero sa itaas na bahagi ng elevator at nainip na siya na hintayin pa ang pagbukas nito kaya tinungo niya ang fire exit at halos tumakbo siya na bumaba patungo sa palapag kung saan naroon si Penelope.
Hiningi naman ni Arthur ang spare key ng suite sa front desk. Kinakabahan din siya sa nagaganap. Alam niya na wala sa tamang katinuan si Prince Hanz.
He was together with Prince for a couple of years. Nasubaybayan niya ang prinsipe sa mahabang panahon at alam niya na iba ang ugnayan na mayroon ang dalawa kahit hindi pa nag-usap ang mga ito sa personal.
He just hope na sana ay maayos ang lagay ni Penelope sa ngayon.
.....
SAMANTALA sa loob ng hotel suite, tulad ng sinabi ni Christen, pawis na pawis si Baba dahil sa sobrang init na nagmumula sa loob ng katawan niya.
Masakit din ang p********e niya sa oras na iyon. Para bang nag-aapoy ang loob nito.
Para siyang may dysmenorrhea sa sobrang sakit.
Pinilit niya na mag-isip ng gagawin kahit sa kabila na parang kinakain ng sakit ng katawan ang lahat ng pag-iisip niya.
She cried na halos hindi niya kayanin ang sakit. She went inside the bathroom. Saka niya ni-lock muli ang pintuan. Alam niya na anumang oras ay mapupunta rin siya sa kamay ng dalawang lalaki.
But at least she did everything para iligtas ang sarili.
Binasa niya ng tubig ang nag-iinit din na mukha niya nang makapa ang labatory sa loob ng bathroom na iyon.
Halos masagi niya ang mga kagamitan sa loob dahil sa sobrang pagkahilo. Then, she tried to think deeper.
Kinapa niya ang mga kagamitan sa loob hanggang sa mapihit niya ang gripo sa bathtub. Halos mamilipit si Baba sa sakit. Ramdam niya na may likido na tila gustong lumabas mula sa loob ng p********e niya.
Matapos mabuksan ang malamig na tubig ng gripo ng bathtub, halos igulong na lang niya ang sarili para makapasok sa loob. Tapos, hinayaan niya ang sarili sa ilalim ng tubig na patuloy na bumubuhos.
Sinandal niya lang ang ulo sa pinakagilid hanggang sa mawalan na lang siya ng malay.
.....
SINIPA nang ubod-lakas ng dalawang lalaki ang pintuan ng kwarto kung saan naroon si Baba.
Hindi nila natagpuan ang dalaga kaya nilingon nila ang bathroom sa gilid. Kapwa nakangisi ang dalawang lalaki na tinungo ang palikuran.
Kinatok ng mga ito ang pinto. Naririnig nila ang lagaslas ng tubig mula sa loob.
"Ha ha ha. C'mon babe. Come out and play with us," nilawayan pa nito ng dila ang paligid ng labi na para bang natatakam sa dalaga.
Sinenyasan nito ang kasama para sirain muli ang pinto. Isang sipa lang ang ginawa nito at tumambad sa dalawang lalaki ang katawan ng dalaga na nakalublob sa umaapaw na tubig ng tub.
Tanging mula colarbone hanggang ulo na nakasandal sa gilid ang kita sa dalaga.
Tumawa ang dalawa. There was no way na makaligtas si Penelope sa kamay nilang dalawa.
Hinawakan ng isa ang walang-malay na si Baba para buhatin at ilabas sana sa bathroom nang makarinig sila ng mga yabag.
.....
MATAPOS huminto ni Prince Hanz sa tapat ng suite number na binigay sa kanya, hindi niya na hinintay si Arthur na paakyat pa lang sa elevator dahil kinuha nito ang spare key.
Sinenyasan niya ang bodyguards na sirain na ang pintuan.
Sinunod naman siya ng dalawa at hindi nagtagal ay nasira ng mga ito ang pinto.
Mabilis na hinanap ng prinsipe ang dalaga ngunit wala ito sa living room ng suite na iyon.
Tinungo nila ang kwarto at natagpuan niya ang dalawang lalaki na nasa palikuran kasama ni Penelope. Nabigla rin ang dalawang lalaki.
Nagdilim ang paningin ni Prince Hanz nang makita si Penelope na nakalublob sa tubig at walang malay.
Hindi na nagdalawang-isip ang prinsipe na ginulpi ang dalawang lalaki. Halos masira nila ang gamit sa loob ng kwarto, hanggang sa mawalan na lang ang mga ito ng malay dahil sa pagkakagulpi ng prinsipe.
Halos magdugo ang mga kamao ni Prince Hanz. Nabigla rin pati ang mga kasama niyang bodyguards.
"Ahhh!" hiyaw ng dalaga mula sa loob ng palikuran.
Parang nagbalik naman sa reyalidad ang prinsipe at pumasok sa loob ng palikuran.
Kita niya sa mukha ni Penelope na nahihirapan ito sa lagay nito kahit nakapikit. Kapit na kapit ang kamay sa gilid ng bathtub.
Nilapitan niya ang dalaga. Mabilis na lumiit ang espasyo sa pagitan nila. He held her, closer. Parang guminhawa naman ang pakiramdam ni Baba dahil bahagyang nawala ang hirap sa mukha nito.
Hinawi ni Prince Hanz ang lahat ng hibla ng buhok ng dalaga while holding her.
He can't help but to kiss her to treat his longing heart, to taste all the sweetness in her mouth.
Natapon na sa katawan ni Prince Hanz ang tubig mula sa gilid ng tub pero wala na siyang pakialam pa.