BETTINA'S POV Pagkatapos ng nangyaring seremonyas sa pool area. Pumunta kaming lahat sa gilid ng bahay nila sa gazebo area kung saan nandoon ang pinahanda ni tita. Lahat kami ay nasa pwesto na namin, magkatabi kami ni thunder sa harap nilang lahat. At kahit naiilang ako, hindi ko pinahalata sa lalaking to. Tssss.... Asawa ko na pala. Tumayo si mommy sa harap ng kanyang upoan at hawak hawak ang kanyang champagne glass, tinaas niya ito kaya nag sitaasan ng mga glasses ang lahat, pati na rin kami ni thunder. "Okay everyone, cheers to our newly wed couple here, CHEERS!" sigaw ni mommy na sinabayan naman ng iba ang huling sinabi nito. "Okay, mas mabuti pa siguro kung kumain muna tayo, and after this we the family and friends of both, should give some message and we can continue the part

