Cassandra
Sandali kong nilunok ang bara sa aking lalamunan bago ko muling tinignan ang cellphone ko. I sent Cassy a message earlier, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababasa.
I sighed and put Chokey's phone in my pocket again. Hinaplos ko ang ulo ni Chichi habang naninikip ang dibdib ko.
Wala pa rin si Mommy. Kahit ang tatay ni Chichi na nasa Cagayan De Oro ngayon ay wala pa ring paramdam. Naaawa tuloy ako sa kapatid ko. Alam kong kung may choice lang sila ni Chokey, hindi nila gugustuhin ang buhay na ganito.
Mabuti na lang at kahit magkakaiba kami ng tatay ay nirerespeto at kinikilala nila ako bilang ate. Nang ipaalam ko sa kanila ang tungkol kay Cassy ay naramdaman ko rin ang pananabik nila sa kapatid namin.
Kaya lang ay mailap talaga si Cassy. Magmula nang magkahiwalay kami noong mga bata pa kami, hindi ko na nakausap pa ang kakambal ko.
I heard she's studying in a prestigious university in Manila, taking up business management. She's living a very private life, but I bet she is well-loved by the Caranzos. Magmula naman talaga noon ay giliw na giliw na sa kanya ang mga boss ni Daddy kaya nga palagi siya noong isinasama sa tahanan ng mga Caranzo.
Bumukas ang pinto ng ward. Nang makita ko si Mommy na namumula pa ang mga mata ay hindi ko naiwasang bumuntonghininga. Inuna pa talaga niya ang bisyo kaysa intindihin si Chichi? Kung wala si lola na nagdala ng mga kailangan namin sa ospital, baka hindi nakakain ng disenteng pagkain ang kapatid ko.
Suminghot si Mommy kahit walang sipon. "Anong sabi ng doktor? Pwede na ba 'yang ilabas bukas? Wala tayong pambayad dito."
Patago kong ikinuyom ang mga kamao ko. Matitiis ko pa kung ako ang nasa kalagayan ni Chichi, pero ate ako at anim na taong gulang pa lang si Chichi para maranasan ang ganitong bagay, tapos wala man lang siyang mararamdamang malasakit mula kay mommy? Nakakainis.
Tinitigan ko na lang ang kapatid kong mahimbing ang tulog dahil sa mga gamot na ibinigay sa kanya kanina. "May tubig daw po sa baga tapos may bukol sa bandang lalamunan na kailangang maalis kun'di lalaki at makakaapekto sa paghinga niya. Kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon."
"Ay, naku nagpapapaniwala kayo sa mga doktor eh peperahan lang tayo ng mga 'yan!"
Humigpit ang pagkuyom ng mga palad ko. "Ako na lang ho ang gagawa ng paraan kung ayaw ninyong maniwala."
Inis na naupo si Mommy sa bakanteng monobloc. "'Yang ipampapaopera mo, ibigay mo na lang sa akin at magtatayo ako ng negosyo nang may panggastos kami sa bahay tutal nagiging kuripot ka na."
Hindi ko na natiis. Naging matalim ang titig ko kay Mommy at hindi ko na napigilan ang bibig ko. "Bakit ang sama mo kay Chichi, Mommy? Pati na sa amin ni Chokey? Mga anak mo kami at nasa peligro ngayon ang buhay ni Chichi. Hindi mo man lang ba iniisip na pwedeng ikamatay ni Chichi kung 'yan ang gusto mong mangyari? Tsaka, mommy anak mo ako. Hindi ko naman ho siguro responsibilidad na buhayin kayo."
Her eyes narrowed at me. "Ito ang isaksak mo diyan sa kokote mo, Cassandra. Kung hindi dahil sayo, hindi babyahe ang daddy mo papunta ng Leyte para kunin ka kahit alam niyang bumabagyo. Sana hanggang ngayon, may pera akong natatanggap!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig saka ako sinaksak ng punyal sa dibdib nang paulit-ulit. Iyon pa rin ang tingin niyang nangyari? Na ako ang may kasalanan kung bakit namatay si daddy? Bakit ba ang hirap para sa kanya na tanggaping siya ang nagkamali at wala namang may gustong mawala si daddy?
Imbes na sumagot ay nanahimik na lamang ako. Halatang nabwisit din nang husto si mommy kaya walang sabi-sabing lumayas sa kwarto. Nang makalabas siya ng silid ay pinakawalan ko ang hangin sa dibdib ko saka ako pumikit.
"Daddy, tulong naman diyan, oh. Hindi ko na alam ang gagawin ko..."
As if my dad is listening to me, Chokey's phone buzzed. Nagmamadali kong tinignan ang mensahe ni Cassy, at nang makita ang reply niya sa chat ko ay muntik na akong magtatatalon sa tuwa.
Cassy Caranzo: I can give you one million for your sister's surgery, but you have to do something for me in return.
Walang pag-aalinlangan kong sinabing payag ako ano man ang gusto niyang maging kapalit. Hindi naman nagtagal ay sinabihan niya akong magpapadala siya ng pamasahe ko papunta ng Maynila para magkausap kaming dalawa.
Cassy sent twenty thousand to Billy's bank account for my fare and for the expenses at the hospital. Ipinahawak ko ang pera kay Lola at ibinilin ko sa kanya na luluwas ako pa-Maynila para makaharap ang kakambal ko.
"Naku, apo! Matutupad na ang pangarap mong makitang muli si Cassy!" Suminghot si lola at nagpunas ng sulok ng mga mata. "Sabihin mo sa kanya miss na miss ko na siya, ha?"
I smiled. "Opo, Lola. Oo nga ho pala. Sabi ni Cassy, oras na magkasundo kami sa gusto niyang mangyari, ipadadala niya kay Billy ang kalahati ng napag-usapan naming halaga. Pwede naman na ho iyong ipauna sa ospital para maoperahan na si Chichi. Kayo na lang ho sana ang mag-asikaso nang hindi magastos ang pera. Nakausap ko naman na ho si kuya Billy. Sabi niya ay aalalay siya sa inyo."
"Napakabait talaga ng batang iyon magmula pa noong mga bata pa kayo. Bakit hindi na lang iyon ang pakasalan mo, apo pagdating ng araw nang makampante ako?"
"Si lola talaga. Hindi ho ako kursunada ni kuya Billy."
"Iniisip mo lang 'yan, apo pero ako, ramdam kong malaki ang gusto sa iyo ng batang 'yon."
Tumayo na ako matapos maisara ang maleta. "Huwag na lang nga ho natin 'yang pag-usapan at baka mailang lang ako roon sa tao. Kailangan ko na rin hong bumyahe, lola at hinihintay ako ni Cassy."
"Oh, siya. Mag-ingat ka, apo. Sana ay maibalik na rin ninyong magkapatid ang dati ninyong samahan."
Payak akong ngumiti. "Sana nga ho, lola. Miss na miss ko na si Cassy."
Billy's car took a halt in front of my grandma's house. Tinulungan niya akong maisakay ang maleta ko sa kotse niya saka niya ako ihinatid sa sakayan patungong Tacloban. I took a domestic plane to Manila, and from there, I was escorted to a hotel where Cassy wanted to meet me.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa ganda ng mga nadaraanan namin habang patungo ng hotel. I've never seen such high-rise buildings in a long time, at kahit sa Maynila ako lumaki noon, para akong ignoranteng pilit na tinanaw ang naggagandahang lugar sa labas ng sasakyan.
The car stopped in the basement of a hotel. Sinamahan naman ako ng tauhan nina Cassy patungo sa hotel room kung saan naghihintay ang kakambal ko, at sa bawat sandaling papalapit nang papalapit ang muli naming pagkikitang magkapatid, pakiramdam ko ay mababasag ang dibdib ko dala ng kaba at pananabik.
"Dito po," anang driver.
"Salamat ho," I said nervously.
Nang iwan ako ng driver ay sandali akong humugot ng hininga bago ko tuluyang kinatok ang pinto. Hindi naman nagtagal ay tuluyang bumukas ang hotel room, at nang bumungad sa akin ang napakaganda kong kakambal, halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan.
"C--Cassy?"
She gave me a cold stare before she scanned me from head to toe. Mayamaya ay tila dismayado siyang nagpakawala ng hangin bago tuluyang nagsalita sa malamig na boses.
"Get in. We've got work to do. You need to sub for me tonight."
Napakunot ako ng noo. "Sub? Anong sub? Saan magsa-sub?"
She dragged me inside then shut the door before she stared at me coldly.
"Sa date ko with my public boyfriend." She sat on the couch. "Si Klinn Ducani..."