Kabanata 6

1288 Words
Klinn "Tangina no'ng Punzalan na 'yon," dinig kong asik ni Kreige habang may ice pack sa pisngi si Keios. Kahit na madalas magtalo ang dalawa, si Kreige pa rin ang pinakapikon na pikon tuwing napagti-trip-an si Keios. "Bakit ka kasi nagpunta ro'n, alam mo nang pugad ng mga Punzalan ang club na 'yon?" galit na tanong ni Kreige. "I told you, I didn't know. Sinamahan ko lang si Arkin dahil sinundo si Zaskia." "Binitbit sana ninyo si Whiskey," I said while leaning on the wall. "Tatahi-tahimik ang Anadalio na 'yon pero takot ang mga Punzalan sa kanya." "Sa kamao ko sila mga takot, mga putangina nila." Kuya Keeno sighed. "Pwede bang bawasan mo ang kakamura?" iritable niyang sabi kay Kreige. I tapped his shoulder. "Galit lang, kuya. Hayaan mo na muna. You know him when it comes to us." Bumaling ako kay Keios. "Dumistansya ka na lang sa mga Punzalan. Alam mo namang mainit ang dugo nila sa ating mga anak ni Daddy." Umismid si Keios. "Bugbugin ko pa 'yong mga 'yon." "Ayan. Diyan kayo magaling na dalawa kaya madalas kayo rin ang hindi magkasundo." I pulled my phone out. "Should I call Lila?" "Don't!" "Hindi na!" Ngumisi ako nang sabay silang sumagot. Kung sabagay. Kung maikli na ang pasensya nilang dalawa ay higit pa si Khalila. Our princess inherited a lot of things from Dad, but what she shows more is Daddy's patience when he's mad. Kapag nagagalit si Lila ay para kaming nakatitig sa galit na bersyon ni Daddy. Ibinulsa ko ulit ang phone ko. "Don't tell Daddy about this. Baka umuwi 'yon bigla at sugurin ang mga Punzalan." "Baka nga mas maganda na 'yon. Para tayong iniisa-isa. Si kuya Keeno, binugbog na rin nila. Si Krei tinarantado sa laro. Baka mamaya isunod ka ng mga gagong 'yon," ani Keios. "Don't worry about me, Keios. Hindi naman kasing init ng ulo ninyo ang ulo ko." Dinampot ko ang susi ng kotse. "Alis muna ko. Ipagamot mo kay Denyse 'yang mukha mo." Umiwas ng tingin si Keios. "Papunta na sina Whiskey at Shaina. Si Shaina na lang." My brows furrowed, at kahit na hindi na sabihin ni Keios ang buong detalye, alam ko na kung bakit si Shaina, ang girlfriend ng kaibigan naming si Whiskey, ang gagamot sa kanya. Mukhang may pinag-awayan na naman ang dalawa, at malakas ang kutob kong dahil na naman sa gusto ni Keios na mag-live in sila ni Denyse nang makatipid si Denyse sa mga gastusin. "Sabihan mo pa rin si Denyse. Siguradong mag-aalala 'yon kung kay Shaina pa niya malalaman." Tinanguan na lang ako ni Keios. Nang wala na akong ibang tugon na nakuha mula sa kanya ay bumuntonghininga na lamang ako saka ako lumabas. I told Cassy that I'm about to pick her up, at nang makasakay siya sa kotse ko'y hindi ko na naman napigilan ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Dalawang linggo nang ganito. Tuwing kasama ko si Cassy, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakakahalubilo ko. I am so good at observing other people and analyzing them, but every damn time I'm getting convinced that she's no longer the Cassy that I know, reality would hit me. Bata pa lang kami ay kilala ko na si Cassy. She's an only child and her behavior is so hard to predict. Probably the very reason why we became friends. She's a complex girl. Iyong tipong palaging mayroong bagong bahagi ng pagkatao niyang ipinakikilala sa akin. I thought the times we spent together were enough for me to know her, pero mukhang hindi pa pala. This version of her, this is so brand new. Para akong nagsisimula sa umpisa at sobrang hirap basahin ng mga kilos niya. It's like I am dealing with a completely different person... She smiled. "Hi." Napalunok ako nang mapagtantong napatagal na naman ang titig ko. "H—Hi." f**k. Hindi naman ako ganito noon. Bakit ba parang ang lakas ng hatak niya sa akin ngayon? Is it because of her hairstyle? O baka dahil ngayon niya ipinapakitang marami pala kaming bagay na parehong nae-enjoy gaya ng mga kotse at pangangarera? She's a walking car encyclopedia! Hindi ko akalaing ganoon niya kamahal ang mga sasakyan, kaya magmula rin nang malaman ko ang tungkol sa hilig niya sa kotse at karera, isinasama ko na siya sa lahat ng karera ko. "Saan tayo ngayon?" she asked while securing her seatbelt. I managed to compose myself. Ito ba 'yong pakiramdam na ikinikwento ni Daddy? Iyong mismong nararamdaman niya tuwing sumasakay raw si Mama sa kotse niya noon? Parang nakaka-relate na ako. Pati nga takbo ng sasakyan ko ngayon sobrang ingat na kapag sakay ko si Cassy. Gano'n din daw noon si Daddy. I swallowed. Then this is not good... but I can't help it. This version of her is too... irresistible. "Klinn." "Hmm?" "Sabi ko saan tayo ngayon?" She grinned while wrinkling her forehead. "Okay ka lang ba?" I cleared my throat. "Yeah. Uh, sa Subic tayo ngayon. May nagyaya. Five hundred thousand ang pusta." Napakurap siya. "Five hundred thousand? Ang laki!" "No, it's no—" Ako naman ang napakunot. Kailan pa naging malaki sa kanya ang five hundred thousand? She literally spends half a million in stuff she rarely uses. Napatitig ako nang husto sa kanya, at nang mapansin ko ang tainga niya, hindi ko naiwasan ang lalong mapakunot. Cassy has two piercings in her left ear. Bakit ang Cassy na katabi ko ngayon... iisa lang? Bakit ngayon ko lang 'to napansin? "Uhm, okay ka lang ba talaga, Klinn? Gusto mo ba ako na lang ang mag-drive?" Mag-drive? Cassy Caranzo never asked me to surrender the wheel because she knew how much I love driving. f**k, napaparanoid yata ako. I swallowed. "Sure." I faked a smile. "Basta ayaw ko ng mabagal na takbo. Alam mo naman 'yan." Tumango siya. "Susubukan kong bilisan," aniya bago kami nagpalit. I noticed how excited she is to get her hands on the steering wheel as if she's about to fulfill her dream. Nang makapasok kami sa loob ng kotse ay para pa siyang maiiyak habang hinahaplos ang manibela ng sasakyan ko. Ang weird, pero f**k, bakit ang cute? She sniffed. "Sorry. Ang ganda kasi talaga ng kotse mo, eh," aniya nang siguro ay naramdaman ang pagtataka ko. I jerked my head. "Make yourself comfy." Ngumiti siya, at nang tuluyan niyang nai-adjust ang upuan at side mirrors, napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya dala ng excitement. My phone buzzed. Nang masagot ko ang tawag ni Aldrich, ang tropa kong madalas kong makasama sa pangangarera, nagsimula na rin ang pagtakbo ng kotse sa alalay na bilis. "Pre, babae naman pala kalaban. Shota ni Punzalan." Napakunot ako ng noo. "Babae? Eh 'di babae rin isasabak natin ngayong gabi?" "Oo sana kaso may sakit si Patch. Hindi rin ma-contact si Keith. Wala ka bang mabibitbit diyan na pwede? Sayang 'to. Ipupusta ni Punzalan 'yong isang kotse niya." I sighed and was about to tell him that I'll try to look for a lady driver, but when I saw how smoothly Cassy managed to steer at the blind curves as if she's on a race, and how good she is at squeezing my car between two other cars on the same lane, I realized I'm about to make one of the riskiest bets of my life. "I'll call you back, Drich." Pinatay ko ang tawag saka ako humugot ng hininga't tinanong si Cassy. "What's your ideal guy again?" tanong ko, pero dahil masyado siyang focused sa pagmamaneho ay tila wala sa sarili niya akong nasagot. "Iyong mahilig sa kotse at nangangarera." A victorious smirk made its way to my lips. "Do you wanna go home with a brand new car... and a racer boyfriend?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD