"I should go back," paalam sa akin ni Suther habang nakaturo siya sa motorsiklo na nasa bandang likuran niya. "I'll pick you up tomorrow."
Hinatid ko lang siya ng tingin habang naglalakad na siya palayo sa akin pero kusang gumalaw ang mga paa ko. Sinundan ko siya't walang sabi na hinawakan ko ang isa niyang kamay. Tumigil siya at nilingon niya ako na parang nagulantang pa siya sa naging inakto ko. "L-Laraya..." Mahina niyang tawag sa akin.
Lumunok ako. Dumapo ang tingin ko sa lupa. "D-dumito ka muna..." Sabi ko.
Alam kong mas lalo pa siya nagulat sa sinabi ko. "A-are you sure?"
"Ang totoo niyan, kinukuha ko ang tyansa na ito para malaman ko ang lahat... Gusto kong malaman ang lahat..." Sabi ko.
Kinuha ko din ang tyansa na ito habang wala pa si Bryant dito sa Batanes. Oo, asawa ko nga siya pero, pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Parang hindi talaga kami tunay na mag-asawa... Ngayon, narito si Suther, ang sabi niya ay kilala niya ako, siya ang tatanungin ko lahat ng mga nalalaman niya tungkol sa akin.
Good thing is malalayo ang mga bahay ng mga kapitbahay namin. Medyo isolated kasi ang bahay na ito. 'Yung tipong walang eepal sa iyo sa anumang oras. At saka, mababait naman sila, maiitindihan naman siguro nila.
"May gusto ka bang kainin? Ipagkukuha o ipagluluto kita..." Sabi ko nang nakaupo siya sa sofa na yari sa kawayan.
"Tubig nalang." Sabi niya.
Tumingin ako sa kaniya. "Sigurado ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Hindi ka pa yata nakapagdinner..."
"Tapos na, bago ka man nagising kanina, kakatapos ko lang kumain n'on." Tumayo siya saka lumapit sa akin. Tinalikuran ko siya pero mukhang wrong move pa yata ako. Nasa likuran ko na siya! "Thank you for your hospitality, my kitty."
Kumunot ang noo ko saka bumaling sa kaniya. "Bakit my kitty ang tawag mo sa akin?"
Ngumiti siya. Binawi ko ang aking tingin. Until I feel his body closer into mine. Parang tumigil ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang mga braso na pumulupot sa aking bewang! Ang masama pa doon, bakit parang hinayaan ko lang na gawin niya sa akin ito!? "I can't tell you why, my kitty but I'm surely tell you that your favorite character is Hello Kitty..." Anas niya sa aking tainga.
Napasinghap ako. Muli ako bumaling sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na mas malapit ang mukha niya! Kulang nalang ay hahalikan na niya ako! My goodness! Bakit parang may nagwawala na kung ano sa aking tyan?!
"Ten years ago, I meet a goddess, hanggang ngayon, mas lalo siya gumaganda sa paningin ko..."
"S-Suther..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
Mas lalo humigpit ang pagkayapos niya sa aking bewang. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat.
"B-bitaw na..." Nakangiwi na ako.
"Just a minute, my kitty, please?"
For the second time, sumunod na naman ang katawan ko sa nais niya. Hinayaan ko lang na nakayakap siya sa akin ng ganito katagal. Parang pamilyar sa akin ang pabango. "Suther?"
"Hmm?"
"Ano ang paborito kong ulam?" Out the blue kong tanong.
"Pininyahang manok. Why, my kitty?"
Ngumuso ako. "Tanong ko lang naman... Eh, ano ang pangarap ko?"
"You want to be a pharmacist. So bad. But you ended up taking Food technology—wait, it's that okay to answer these kind of questions? Baka sumakit na naman ang ulo mo."
Isang maliit na ngiti ang umukit sa aking mga labi. "Okay lang naman, hindi naman sumasakit sa aking ulo, eh." Sagot ko.
Medyo nagkaroon pa kami ng kaunting argumento ni Suther pagkatapos. Gusto ko siya patulugin sa kama at ako nalang sa sofa tutal naman ay bisita ko siya pero ayaw niya. Siya nalang daw sa sofa at ako nalang daw sa kuwarto. Sa huli ay wala na akong magawa kungdi sundin ko nalang siya.
Titig na titig ako sa singsing na nasa aking daliri habang nakadungaw ako sa bintana. Tanaw ko mula dito ang parola na abala sa pagpapailaw nito. Malakas din ang alon sa dagat. I could feel the sea breeze in my skin. Mas gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ako makatulog dahil biglang may bumabagabag sa aking isipan. Kahit na sinasagot ni Suther ang mga katanungan ko ay may mga bagay pa rin na hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan.
Tulad ng singsing na ito, saan ko ito nakuha? Pagkagising ko dito sa Batanes ay suot ko na ito. Kasama ang anklet.
Napabuntong-hininga ako. Inalis ko ang aking tingin sa dagat. Nilapitan ko ang cabinet para kumuha ng kumot para magamit ni Suther ay natigilan ako nang may nakasabit na isang damit akong namataan nang buksan ko ang pinto ng cabinet. Kumunot ang noo ko... Bumilis ang pintig ng aking puso habang tinanggal ko iyon mula sa pagkasabit.
White ruffle bandeau off shoulder dress.
"Laraya, when I am with you, I feel alive. You bring me a happiness that no one else ever could. You bring me a love, I have never known before. I could not imagine what my life would be like without you. I promise to always love you and always hold you in my heart. I will always be here for you when you need me, and I will love you no matter what, life brings us, I believe you are my soul mate and I vow to love you all eternity. I love you, Laraya."
"Suther, my feelings for you are growing stronger and stronger everyday. Life is so unpredictable. Changes always come along since the first time I met you.... I don't know what happened that this sudden change has turned my world upside down. I don't know exactly what it is, it just hit me, I think there is something really special about you. I vow to give my life to you, mind, body and soul. I will you to hold me for the rest of my life as you do each and everyday and night. From tonight, I belong to you, Suther."
Napapikit ako ng mariin. Kasabay na nabitawan ko ang damit at bumagsak iyon sa sahig.
"A-ahh...." Impit kong daing.
Bumagsak ako sa sahig dahil sa sakit ng aking ulo.
"Laraya, itatanong sana ako..." Rinig ko ang boses ni Suther na papasok dito sa kuwarto. "Laraya!" Agad niya akong dinaluhan at inaalalayan na tumayo. "What happend? Tell me... Please..." Sobrang nag-aalala siya.
"M-masakit na naman ang ulo ko... Suther..." Nanghihina kong tugon.
Binuhat niya ako agad na parang bagong kasal at maingat niya akong hiniga sa kama. "Should I call you doctor? May naalala ka na naman ba? May ginawa ba akong masama?"
Tinuro ko sa kaniya ang side table. "G-gamot ko..."
Tila naitindihan niya ang ibig kong iparating. Agad niyang hinatak ang drawer ng side table. Kinuha niya roon ang isang bote ng gamot para humupa ang sakit ng aking ulo.
"Sandali lang, kukuha ako ng tubig." He said and he immediately leave this room for a seconds and he came back while he's holding a glass of water. Siya na rin ang nagbangon sa akin para painumin ako ng gamot. "Tell me, Laraya, what's goin' on?" He plead.
Nanghihina ko siyang tiningnan. Itinuro ko ang damit na nakahandusay sa sahig. Sinunod niya iyon ng tingin. Umalis siya saglit sa kama at pinulot nya ang damit na nakita ko. Bumalik siya na hawak na niya ito. Kumunot ang kaniyang noo at tumingin sa akin
Namumungay ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "There's a memory that I called you, making a vow with you, Suther..." I said in a weak voice. "Tell me... May kinalaman ka ba sa bagay na ito?" Sabay pakita ko sa kania ang singsing na nasa palasingsingan ko.
"Laraya..." Parang nag-aalang siyang sagutin ang tanong ko.
"Please, Suther... Ano ba talaga kita sa buhay ko?" I almost plead. "Sa loob ng sampung taon na wala akong maalala, pakiramdam ko, nangangapa ako sa dilim... I don't know who really I am... I don't know who is my family... I don't know where I came from... Lahat, walang tamang kasagutan sa mga tanong ko."
Pumikit siya sa ng mariin at yumuko. "Ayokong sabihin dahil ayokong mahirapan ka..."
"Mas nahihirapan ako kung hindi mo sasabihin sa akin, Suther!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong magalit. "Please... sino ka ba talaga? Who's your precious jewel have you been looking for? Who's your wife? Sino ba talaga si Suther..."
"You are my wife, Laraya." He finally answered.
Natigilan ako. "A-ano?"
I thought I am Bryant's wife? Ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa akin na asawa ko daw siya. Natatandaan ko pa ang mga naikwento niya sa akin noon kung papaano kami naging mag-asawa... Pinaniwalaan ko ang mga iyon!
"I bought this dress for our wedding ten years ago." He added while he's still holding the dress. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Pinabili ko kay Vladimir ang singsing na iyan bago tayo nagkaproblema noon. Tumakas tayo para hindi tayo mahanap ng taong galit na galit sa iyo. You married a college student that time, Laraya..."
Bumaba ang tingin ko. Lalo na ako naguguluhan. Anong sinasabi niya na problema namin noon? Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Si Bryant ba o si Suther?
Pero bakit mas matimbang na kailangan kong paniwalaan si Suther?
"Laraya, kung gusto mo, kailangan ko nang umalis. I'll give you space..."
"No." Mariin kong sagot. Muli ko siyang tiningnan. Kaya mo ito, Laraya...
"Laraya..."
Pumikit ako ng mariin. Naguguluhan. "Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalain ko, Suther..." Hindi ko na mapigilan mapaiyak. "Bakit magkaiba ang sinabi ninyo ni Bryant?"
"Who's Bryant?" Maski siya ay naguluhan.
"Siya ang nagpakilala na asawa ko—"
"f**k!" Isang matinding mura ang nasambit niya. "Ang gagong iyon?!"
"A-anong pinagsasabi mo, Suther?" Sunod kong tanong.
Mas lumapit pa siya sa akin at marahan niyang ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko para magtama ang mga tingin namin. "Binanggit sa akin ni Kalous na siya ang iniligtas mo noon mula sa pambubully. I didn't know that he introduced himself as your husband. That asshole steal my role in your life, Laraya."
"A-ano?" Iyan lang tangi kong masabi.
"Kalaban namin ang pamilya niya pagdating sa business world. Even in underground business world."
Hindi ko magawnag magsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.
"Tangina, hanggang ngayon, nagiging kabit ako kahit hindi dapat..." He added.
"Suther..."
"Aalis tayo dito. We're going back in Manila. I'll look for a doctor who can treat your situation, my kitty. Kahit matagal ka pa makaalala, wala akong pakialam. Basta nasa tabi na kita at babawiin ko ang haba ng panahon na nawala ka sa akin."
"Papaano ang trabaho ko?"
"Sasamahan kitang kausapin ang boss mo. Aasikasuhin ko ang ticket mo. Asawa kita kaya ibabahay kita." He lean his forehead into mine. "Hindi na ako makapaghintay na sasalubungin mo ako sa tuwing uuwi ako sa iyo, Laraya..."