Tahimik akong nakadungaw sa bintana. Kasalukuyang inaayos ang mga kailangan sa kasal namin ni Laraya. Hindi mabura sa aking mga labi ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Kahit na pangalawang kasal na namin ngayon, pakiramdam ko ay unang beses ko pa rin. Siguro dahil hindi lang kaming dalawa ang makakaalam at makakasaksi ng pag-iisang dibdib namin. Siguro dahil na din naririto na ang mga pamilya namin. Naputol ag panonood ko nang may kumatok sa pinto ng room hotel kung nasaan ako ngayon. Kusa iyon nagbukas. Tumambad sa akin si Vladimir na ngayon ay nakaayos na. Nakangisi siya habang papalapit siya sa akin. He's my best man. Yeah, kahit pinsan ko siya ay siya na din ang tinuturing kong malapit na kaibigan. "Finally, ahma gives her blessing to this wedding." Masayang pahayag niya sabay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


