chapter fifteen

1859 Words
Hinatid talaga kami ng magpipinsan sa Manila North Pier. Naroon daw ang barko na sasakyan namin papunta sa isang malayong probinsya na paniguradong hindi daw kami matutunton ni Eufemia Hochengco-sa Iloilo. Ang magpipinsan din ang nagbook ng alis namin pati na din ng reservations. Lumapit si Vladimir kay Suther at may inabot siya na hindi ko malaman kung ano 'yon. Nakangitian silang dalawa at nagfistbump. "Please take care, ahia, Laraya..." Nag-aalalang bilin sa amin ni Fae. "Huwag mo lang kaming isipin, okay? Ang importante, hindi kayo maabutan ni ahma." "Xie xie, (thank you)" Sabi ni Suther. Niyakap nila kami bago kami tuluyang pumasok sa loob ng barko. Naghabol pa ako ng sulyap sa kanila. Lahat sila ay kumakaway sa amin na may ngiti sa kanilang mga labi. Kumaway din ako pabalik. I mouthed at them,"Thank you." "Sorry kung nadamay ka, my kitty." Bulong sa akin ni Suther. Umiling ako at ngumiti sa kaniya. "Walang kaso sa akin iyon." Basta pagdating sa pagmamahal ko sa iyo, haharapin ko kahit nakakatakot man ang lola mo. Ang importante sa akin ay magkasama pa rin tayo. Hindi tayo mapaghihiwalay. Bumungad sa amin ang front office. Nagtanong kami doon kung saan ang daan papunta kung saan ang cabin namin. Mabuti nalang ay sinamahan pa niya kami hanggang sa marating namin ang kuwarto. Nagthank you kami sa crew. Si Suther ang nagdala ng mga gamit namin. Pinatong niya iyon sa couch. Iginala ko ang aking paningin. Ito pala ang tinatawag nilang premium stateroom. It's more like sa suite o nasa isang hotel kami. Pang-VIP ang isang ito. Kumpleto din ang lahat, kahit shower ay narito na sa kuwarto. Maski ang mga kagamitan tulad ng tv, lampshade ay narito. Maganda ang interior. Grabe, gumastos pa talaga ang mga pinsan ni Suther para lang dito? Nilapitan ko ang kurtina. Hinawi ko iyon ng kaunti. City lights ang bumungad sa akin. Ginapangan ako ng kaba sa aking dibdib. Hindi dahil na makakasama ko si Suther, kungdi nag-aalala ako para kina Lola, Guia, Emily at Tepan. Natatakot ako na baka galawin sila nito kapag nalaman ni Madame Eufemia na wala na ako sa Indang. Naputol ang pag-iisip ko nang maramdam ko ang isang pares ng braso yumapos sa aking bewang. I feel his chin lean on my shoulder. "Are you sure about this? Are you going to runaway with me?" Malambing niyang tanong sa akin. Napangiti ako. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. "Kung labag man sa kalooban ko, eh di sana wala ako dito, hind mo na ako kasama." I him chuckled. "Yeah, I know. Thank you so much, my kitty. For fighting our love." "Mahal kasi kita kaya ginawa ko iyon." "Still, thank you." Then he kiss my temple. "I love you." "Always remember, I love you, Suther." *** It's already eight pm. Nagpaalam na lumabas muna saglit si Suther. May bibilhin daw siya. Nasa byahe na din kami. Pinayagan ko naman. Prente akong nakaupo sa kama habang nanonood ng tv nang biglang may kumatok. "Baka si Suther na," Sabi ko sa aking sarili sabay alis ko sa ibabaw ng kama para buksan ang pinto. Pero hindi si Suther ang bumungad sa akin. Isa sa mga crew ng barkong ito. "Kayo po si Ms. Athena Laraya Moquerio?" Tanong nito. Tumango ako. "Ako nga po. Bakit po?" May ipinakita siya sa aking isang malaking kahon. "Pinapadala po ni Mr. Suther Hochengco po." Tinanggap ko ang kaniyang hawak. "Salamat." Umalis na din ito pagkatapos. Sinara ko ang pinto gamit ang aking paa. Pinatong ko ang kahon sa kama. May nakalakip na sulat sa taas ng kahon. Binasa ko ang nilalaman n'on. For my kitty, Tonight is very special for us and we are goung to make it more beautiful. Get dressed, my kitty. I have big plans for you tonight. PS. Please, wear the anklet. See you in Little Garden. I love you. - Suther Hindi ko mapigilang mapangiti. Itinabi ko muna ang sulat niya sa mesa na nasa tabi lang ng kama. Hinila ko ang ribbon at binuksan ko ang naturang kahon. Napasinghap ako nang makita ko ang mga laman ng kahon. White ruffle bandeau off shoulder dress, a pair of white stilettos and a white rose crown! There's a pair of earrings! Diamond pa! Mabilis akong kumilos. Naligo, sinuot ko ang mga bigay ni Suther. Nag-ayos ako ng sarili at syempre, hindi ko nakalimutan ang isnuot ang anklet. Lumabas ako ng silid na ayos na meron palang naghihintay sa akin doon. Isa sa mga crew din. Babae ito at nakangiti sa aking direksyon. Lumapit siya sa akin. "Good evening, Miss Moquerio, ako na po ang maghahatid sa inyo sa Little Garden." Sabi niya. Tumango ako pero bago man kami lumarga ay may inabot pa siya sa aking bouquet. Nagtataka akong tanggapin iyon. Hanggang sa napadpad kami sa labas ng deck. May natatanaw akong mga halaman at mga bulaklak sa parte ng barkong ito. Hinahanap ng mga mata ko si Suther pero puros mga nakaputing lalaki ang nakahilera at magkakaharap. May red carpet pa sa pagitan nila. "Hanggang dito nalang po ako, Miss Moquerio, lakad lang po kayo doon." Ang red carpet ang tinutukoy niya. "Congratulations po." Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. No choice ako kungdi sundin ang sinasabi niya. Naglakad ako. Medyo nagulat lang ako na bawat pares ng mga marino na nadadaanan ko ay nagbibigay sila ng pugay sa akin. Ano bang nangyayari?! Pumukaw ng aking atensyon ang dulo ng aisle na ito. Doon ako natigilan at napasapo sa aking bibig. Nakangiti siya sa akin nang makita niya ako. He's wearing white three-piece-suit! Lumapit siya sa akin na malapad ang ngiti. "Hi, my ktty..." Malambing niyang bati sa akin. "Anong meron, Suther?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya. I can't stopped to high pitch my voice! "Tonight is our wedding." Napasinghap ako. Iginala ko ang paningin sa paligid. May isang lalaki na nauniporme na pang-marino na tila naghihintay sa amin. "He is my friend's father. He's a captain of this ship and also an officiant. Siya ang magkakasal sa atin." Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko! Marahan akong hinila ni Suther, kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya hanggang nasa harap na kami ng kapitan ng barkong ito. "Tonight, we are gathered here to celebrate sone of life's greatest moments, the joining of two hearts and to give recognition to the worth and beauty of love, and to add our best wished to the words which shall unite this couple in marriage." Tumingin siya kay Suther. "Suther, do you take Laraya to be you wife, do you promise to love, honor, cherish and protect her, foresaking all others and holding only unto her?" "I do." Nakangiting sagot ni Suther. Sa akin naman siya tumingin, mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Laraya, do you take Suther to be you husband, do you promise to love, honor, cherish and protect him, foresaking all others and holding only unto him?" "Yes, I do." Tugon ko na hindi maalis ang tingin ko sa aking katabi. Hindi rin mabura ang kasiyahan na aking nararamdaman. May inilabas ang officiant na isang maliit na kahon. "You may now exchanging your vows." Si Suther ang unang kumuha ng singsing at hinawakan ang isa kong kamay. "Laraya, when I am with you, I feel alive. You bring me a happiness that no one else ever could. You bring me a love, I have never known before. I could not imagine what my life would be like without you. I promise to always love you and always hold you in my heart. I will always be here for you when you need me, and I will love you no matter what, life brings us, I believe you are my soul mate and I vow to love you all eternity. I love you, Laraya." Hanggang sa tuluyan na niyang sinuot sa akin ang singsing. Inilapat ko ang aking mga labi. Ako naman ang sunod na kumuha ng natirang singsing. Humarap ako sa kaniya. Nag-aabang siya sa aking sasabihin. "Suther," Panimula ko. "My feelings for you are growing stronger and stronger everyday. Life is so unpredictable. Changes always come along since the first time I met you.... I don't know what happened that this sudden change has turned my world upside down. I don't know exactly what it is, it just hit me, I think there is something really special about you." I paused for a seconds. "I vow to give my life to you, mind, body and soul. I will you to hold me for the rest of my life as you do each and everyday and night. From tonight, I belong to you, Suther." Pinadausdos ko ang singsing sa kaniyang palasingsingan. Muli nagsalita ang officiant. "By the power vested in me I now pronounce you husband ang wife!" Ngumiti siya sa amin. "You may now kiss the bride." Nagkaharap kami ni Suther. Ikinulong niya ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang mga palad. Isang matamis at masuyong halik ang iginawad niya sa aking mga labi. "Ladies and gentlemen, I present to you, our happy couple! Mr. And Mrs. Suther Travis Hochengco!" Dagdag pa nito. Inulanan kami ng palakpakan. Wala na kaming pakialam sa paligid namin dahil ang importante sa amin ngayon ni Suther ay masaya na kami. Naputol ang kasiyahan na biglang may malakas na pagsabog na hindi kalayuan sa amin. Nagtilian at sigawan ang lahat. Bigla ako ginapangan ng kaba at takot. Parang may hindi magandang mangyayari. Ang lahat ay nataranta na dahilan upang magkahiwalay kami ni Suther! Nahatak siya ng mga tao. Sinubukan kong humabol pero mukha magiging bigo pa iyon dahil tataob ang barko! "Lara!" Malakas na tawag niya sa akin nang paulit-ulit pero unti-unti na siyang nawawala. Nadulas ako na dahilan para mauntog ako sa isang matigas na bagay. Napasapo ako sa aking ulo at napapikit dahil sa sakit. Napapikit ako. Napadaing ako nang maramdam ko na may humampas sa likod ko. Ramdam ko ang malamig na pumapalibot sa aking katawan. Parang hinihila ako pababa at hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito... *** Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sa una ay malabo ang aking paningin hanggang sa naging malinaw na ito. Sinubukan kong bumangon, napadaing ako nang sumakit ang aking ulo. Napasapo ako doon. Natigilan ako nang may naramdaman akong tela... Iginala ko ang aking paningin sa silid. I think this house is made of metre-thick limestone and coral wals as well as cogon grass roof. Umalis ako sa katre at nilapitan ang bintana. Naniningkit ang mga mata. Puro talahiban ang nakikita ko. May mga bundok din. May natatanaw din akong parola mula dito. Bumaba ang tingin ko. Kumunot ang noo ko nang may suot akong singsing. May nararamdaman din akong malamig na bagay sa may paa ko. A-anklet? Napatingin ako sa pinto ng silid na ito. Sinubukan kong lumabas dahil may naaamoy ako. Parang may nagluluto. Isang hindi pamilyar na lalaki ang tumambad sa akin. Kakatapos lang niya magluto at naghahain na siya sa mesa. Natigilan siya nang makita niya ako. "G-gising ka na..." Mahina niyang turan sa akin. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "Sino ka? Nasaan ako? K-kilala mo ako?" Sunod-sunod kong tanong. Ngumiti siya sa akin. Nilapitan niya ako na siya naman ang pag-atras ko pero pader na pala ang nasa likod ko! "Don't worry, wala akong ginawang masama sa iyo o anuman. Nasa Batanaes tayo ngayon, Laraya." Kumunot ang noo ko. "S-sino ka ba? P-paano mo ako kilala?" "Bryant Gomez. And I am your husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD