Nakatayo ako ngayon sa airport dito sa Pilipinas, hinahangin ang suot ko na coat habang dinadama ang init ng bansa na iniwan ko ng dalawang taon, kasama ko si doktora De Jesus at doktor Savilla na hindi pumayag na mag biyahe ako mag-isa, syempre with my twin Lucio ang Luis. Isang taon at limang buwan na silang dalawa kaya't kaya ng ihakbang ang mga paa at nakakapagsalita na din ng piling mga salita. Fraternal twins ang aking mga anak, kambal na hindi magkamukha. Ang isa ay batang lalaki na version ko at ang isa ay kamukha ni Lucas. “Ready?.” Tanong ng dalawang doktor na kasama ko, diretso kami sa bahay nila Lucas kung saan kami dati nakatira. Habang nasa byahe ay hindi ko maipaliwanag kung anong kaba ang aking nadarama. Ang dalawang bata naman ay tahimik lang na natutulog. Malapit din

