“Tao po!.” “Monique.” Paulit-ulit namin na pag tawag namin sa pangalan ng dalaga. Halos isang oras na kami dito nakatayo pero wala pa rin lumalabas, hindi naman nakakandado ang pintuan kaya akala namin ay may tao sa loob. “Nako sila Nic ba ang hanap ninyo?.” “Opo, nandito po ba si Monique?. Hindi kasi po s’ya pumasok kanina sa school, classmate ko po sya.” “Nako! Kagabi pa sila wala d’yan, pinalayas ni Kapitana dahil ang inutang noon na bentemil ay inabot na ng anim na buwan, lumobo na daw ang interest kaya para ma-sigurado na makakabalik ang kanyang pera ay hindi daw muna dito ang tatalo, kasi ang titulo pala nito ang ginawang kulateral ng dalawang matanda.” Halos manghina ako dahil kung kagabi pa sila wala, nasaan na ang tatlo ngayon?. Bawal pa naman malamigan si lolo dahil o

