Lucas (POV) “Samahan mo ako Leon, magsuot ka ng pormal na damit.” Huling bala ko na ito para hindi malugi ang aming kabuhayan. Mabuti na lang nga at nagising na si papa, ni isa sa pamilya ko at kaibigan ay hindi alam kung ano ang aking plano, bakit?. Baka ma-bulilyaso pa. “Saan ba tayo pupunta kuya ng ganito ka aga?.” “Kasal namin ni Helen ngayon, isa ka sa witness.” “Putang*na naman kuya! Paano si Monalisa?, sabagay pwede ko naman siyang pakasalan.” Eksahiradong sabi ni Leon sabay bawi dahil mukhang May naisip na kalokohan. “Subukan mo na pakasalan si Monalisa, para malaman mo na kaya ko pa lang pumatay ng kapatid.” Pagbabanta ko kay Leon na ginagawang biro ang lahat. Dinampot ko ang isang kaha ng sigarilyo at kumuha ako ng isang stick sabay sindi. Ipinasok ko ang aking isan

